Last

424 14 1
                                    


5 YEARS LATER...

"Mama Jade!" nakakabinging tili ni Christia, ang anak ni Jade.

"Ano ba 'yun, 'nak? Grabe ka naman kung makasigaw."

"Na-miss ka na po ni Daddy," nakangusong sabi ng bata sa kanya.

Ginulo nito ang buhok ng paslit at tumingin kay Ram na kakapasok lamang sa kanyang silid.

Si Ram ay ang lalaking nakabundol kay Jade noong gabi ng kanyang aksidente at bago siya mawalan ng alaala.

Ito ang sumagot sa gastusin sa ospital at sa gastusin sa mga gamot niya.

Kalauna'y nagkamabutihan sila at naging mag-nobyo at nobya. Ikinasal at ngayon ay may isang napakagandang anak na pinangalanan nilang Christia.

Hindi na bumalik ang alaala ni Jade. Kasabay ng pagkawala ng alaala niya ay ang pagkawala rin ng pendant sa kanyang kwintas. Ang kahuli-hulihang kristal. The crystal of Nirvana.

"Punta na tayo sa park, Ma!" masiglang sabi ni Christia, hindi yata nauubusan ng energy ang isang ito.

Napatawa na lang silang mag-asawa at lumabas na ng bahay para pumunta sa park.

"MA, bilhan mo naman ako ng ice cream," sabi ni Christia at tinuro ang isang ice cream vendor sa kabilang dulo ng parke.

Pumayag naman si Jade at sinabing maiwan muna ito sa kanyang tatay na siyang sinangayunan naman ng paslit.

Naglakad na siya papunta sa ice cream vendor, "Kuya, isa nga po."

Nang magtama ang paningin nila ng sorbetero ay parang nakaramadam siya ng kakaiba sa mula sa mga tingin nito.

Nginitian siya nito at iniabot sa kanya ang ice cream.

"Jade, nagamit mo pala ang Nirvana?" nakangiti nitong sabi.

Nagulat siya dahil kilala siya nito. Tatanungin na sana niya kung paano siya nito nakilala pero naunahan siya nitong magsalita.

"Ito, Jade ang crystal of nostalgiance. Maibabalik niyan lahat ng alaalang nawala sa 'yo."

Pagkatapos maiabot ng lalaki ang kumikinang na bato ay umalis na ito.

Alam ni Jade na nagka-amnesia siya, sabi 'yun ng namayapang ama niya.

Ngumiti si Jade at tinapon na lang sa lupa ang kristal. Kuntento na siya sa buhay niya. Kay Christia at kay Ram ay masaya na siya.

Wala na siyang planong balikan ang kung anumang nangyari sa nakaraan niya.

Past is past, move forward.

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon