CHAPTER 3 : Audrey Belmonte

81.4K 2.8K 1.4K
                                    

Louise POV

Napakasama talaga ng babaeng yun di manlang muna siya nagbigay ng warning bago ginawa ang bagay na yun sakin. Biruin mo? Inaksaya niya lang yung binili niya para gawin yun. Ang nakakainis pa, kitang-kita ng buong klase ang ginawa niyang yun sa akin.

"Serves you right dīlián. Don't you know how dangerous I am? Better luck next time dahil may susunod pa dyan." yan ang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko sa sinabi niya simula kanina. Nakakainis! Nakakagigil! Ang sarap niyang ibaon sa lupa, akala mo kung sino! Kung apihin niya ako parang wala akong karapatan dito, ang masaklap pa diyan eh 'Better luck next time dahil may susunod pa dyan.' May susunod pa? Ginood luck niya pa ako ha, dapat nga quits na kami dahil nung unang-una pa lang bawing-bawi na siya! Ako lagi taga gawa niya ng homeworks nun, kagabi ko lang naman naisipang mali-maliin ang pagsagot sa homework niya. Atleast nga may 5 points siyang matatamaan dun out of 20 items! Di ko rin naman kasalanang siyang mapagtripang pagsagutin ni Mr. Medina. Hmp.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin, nasa ladies room ako habang nagngingit-ngit sa inis. Amoy na amoy ko yung juice drink sa buhok ko, may moist pang natititra sa suot kong salamin. May icing pang natira sa gilid ng labi ko at agad pinunasan yun, ang lagkit!

Basa tuloy ang tshirt ko, wala pa naman akong dalang damit pang palit. Narinig ko pa nga ang tawanan ng mga first year architecture sa first floor nung makita nilang dumaan ako. Nakakainis lang. May narinig akong may nagbukas ng pinto sa isa sa mga cubicles ng ladies room, akala ko ako lang mag-isa dito ngayon?

"Louise?" rinig kong may tumawag ng pangalan ko, kaya napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na yun. Ayun naman pala si Audrey.

"Audrey ikaw p-pala.." nautal pa ako ng bahagya at napatungo pa. Paano ba naman nakakahiya ang itsura ko, basa ang buhok at ang lagkit talagang tingnan ng pananamit ko. Pahamak kasi ang intsik na yun eh.

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Parang nagswimming ka yata?" napatawa pa siya saglit at nilapitan ako. Gusto ko sana tumawa rin sa joke niya pero wala na talaga ako sa mood.

"Opps sorry. I'm just kidding, anyway ano nga ba kasing nangyari sayo?" tanong niya at sinipat-sipat ang aura ko ngayon. 

Siya si Audrey Belmonte taga Building of BS Medical Technology III, sila yung mga nagte-take ng course na may kinalaman sa abilidad nila sa pag prevent, magtuklas o gumamot ng mga sakit. About testing ng kung anu-anong fluid at iba pa. Kadalasan silang nakikita sa laboratory. Yun ang pagkakaalam ko. Nagkakilala kami sa coffee shop na pinag-papart time job ko dahil madalas siya dun. Di ko akalaing dito rin siya sa LCU nag-aaral.

Dahil nga sa tanong niyang yun umasim na naman ang mukha ko nang maalala yung nangyari kanina.

"Ah e-eh wala lang to. Tsaka bakit naka lab gown ang outfit mo ngayon?" iniba ko na lang yung usapan, ayaw ko namang may dumagdag pang nakakaalam ang sinapit ko sa intsik na yun.

"We have a seminar so I'm wearing this outfit today. But seriously what happened to you? You're dripping wet." sabi niya, okay medyo natigilan ako sa sinabi niyang dripping wet may kung anong naisip ang utak ko dahil dun. Tsk burahin mo yan Louise kung ano man yang naiisip mo.

"Mahabang kwento kasi Audrey eh.." kinagat ko ang labi ko para di niya halatang nagsisinungaling ako, mannerism ko kasi kapag kinakagat ko ang labi ko hindi sa nang-aakit ha. Ganito ako kapag di mapakali, kinakabahan o nagsisinungaling.

Nakataas kilay siyang nakatingin sa akin at parang di pa naniniwala. Ano ba yan, kumagat ka please! 

"You're obviously lying Louise pero di na kita pipilitin kung anong nangyari sayo. Uh wait for me here, kukuha lang ako ng spare clothes ko."

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon