CHAPTER 46 : Broke

87.8K 2.3K 3.8K
                                    

Vienna POV

Naamoy ko ang aircon scent ng car ni Louise, automatic na bumukas ang mata ko at tama nga ako pauwi na pala kami.

Maliit na ilaw lang ang bukas dito sa loob at umaasa ako na hindi niya mapapansin ang pagdilat ng mata ko, kunwaring umayos ako ng pwesto ng ulo at sa sandaling yun nahagip ng mata ko na mukhang malalim ang iniisip niya habang diretso lang na nakatingin sa highway.

Sighed.

Pumikit ako ulit habang nakasadal, ang ulo ko naka-tagilid meaning ang tingin ko nasa bintana okay? Sa pagpikit ko, naalala ko na naman ang mga nangyari.

Nakaka-asar. Nakaka-bwisit.

And of course,

Nakakasakit.

Parang ilang araw lang yung lumipas simula nung magka-aminan kami ng feelings ni Louise then ito na pala lahat ang kahihinatnan nun.

Siguro ganun lang talaga, almost perfect na yung relationship namin. Our families, the wealthy we have, friends, and other important stuffs na naging part ng relationship namin nandun na lahat. Pero sa lahat ng yun hindi talaga mawawalan ng isang tao magpapagulo ng relasyon nyo.

Audrey Belmonte.

Kailangan ko pa sigurong paliguan siya ng acido para lang tigilan na niya kami, no wait hindi pa sapat ang acido dapat sa kanya binabaon na sa lupa. Nagkaroon na naman tuloy ako ng doubt feeling kay Louise, there's a feeling between let me hear her explanations first then the feeling of being a prideful one..

See? Ang daming kontra.

Hindi ko rin malilimutan yung mga stupidyante na akala mo kung sino mga hampaslupa naman! At dahil sa dakilang immature ako nasisi ko talaga si Louise sa nangyari bukod pa dun sa baliw niyang ex, bakit kailangan pang aminin ni Louise sa lahat ang mayroon sa amin? Alam ko naman na darating din sa point na yun, pero hindi ganun ang gusto kong mangyari at hindi sa ganung paraan.

Yung reputation na iniingatan ko nawalang parang bula.

But who cares anymore? Nandyan na yan, naduwag lang talaga ako sa magiging reaction ng mga tao. Hindi ko na dapat isipin yun, ang isipin ko dapat kung paano maaayos ang relasyon namin ni Louise na mas pinapalala ko lang.

Pero pinaka-masakit pa rin na part para sa akin yung about sa arranged thingy nila Tito Arthuro at dad noon. We thought that it was just a simply arrangement without knowing our genders, but no. A big no. Alam na talaga nila I got the point, hindi maiiwasan sa isang Chinese family ang pag-usapan ang marriage ng magiging anak nila. Gaya sa case ko, hindi pa ako isinisilang may ganun nang kaganapan. Maybe after knowing my sex, may possibility na gusto mag-back out ni dad noon but culture as it say, dapat di pabago-bago ang desisyon.

Look what is happening now..

Nakapikit pa rin ako nang mapansin kong tumigil na ang sasakyan, another night with our home pero unti-unti namang lumalamig ang ambiance.

Pasimple na akong nag-unat kahit kanina pa ako nagkukunwaring natutulog, kahit alam kong sexy ako nakakahiya naman na buhatin pa niya ako duh.

Unti-unti na akong nagmulat, sakto naman na tinatanggal na ni Louise yung seatbelt ko sa akin dahil dun nagka-tinginan kami. Iisipin nyo siguro na nasa isang commercial kami at may staring contest pang nangyayari, pero hindi. She's actually the one who avoid my gaze immediately.

"Gising ka na pala."

"Yeah." Maikli kong tugon, binuksan ko na rin agad ang sasakyan para bumaba.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon