A/N : Hi! Kindly check the Chapters 1, 2, 3 and 8. Nasa multimedia dun ang mga magiging fictional characters ko para dito. Sila Louise, Vienna, Audrey & Cedric. Thank you~ Enjoy.
Louise POV
Liberty Island, New York Harbor - 12:07 nn (Monday)
Ilang oras na kaming nasa ferry boat, ilang oras na rin nililipad ng hangin ang buhok ko kaya pinusod ko ang na lang gamit ang tali. Nagmumukha na sigurong manang ako ngayon, tapos may salamin pa. Halos mag-dadalawang oras na rin akong nakatayo sa itaas na bahagi ng barko. Ang sarap kasi ng hangin, sariwa. Di gaya sa syudad na masaydo ng polluted.
Di pa kasi ako nakakabalik sa pinagpwestuhan namin ni arte kanina. Baka isipin nun nilamon na ako ng CR, eh bahala siya kung ano man ang isipin niya.
Habang ninanamnam ko ang sariwang hangin at ang ganda ng view ng paligid, natigil ang pag sight-seeing ko ng may nagsalita.
"Miss Louise, It's already lunch time, miss Vienna is waiting on you." sabi ng isang amerikana na ang tingin ko ay isa rin sa mga crew dito na kasa-kasama nila ate Mandy, siya yung crew na kasama namin sa eroplano. Maniwala man kayo o sa hindi, hanggang dito ay kasama pa rin namin siya.
"A-alright." sabi ko na lang at sinundan siya pababa. Tsaka hinihintay raw ako ni arte? Maniniwala na ba ako? Nauntog ba siya at hinihintay ako para sumabay kaming kumain?
Pagdating namin, nakita ko siyang naka-halumbaba sa harap ng pagkain at halata ang inis sa mukha nito. Lumapit ako dito at hinila ang isang upuan, "Alam mo bang masama ang gumanyan sa harap ng pagkain?" sita ko sa kanya, parang nakakabastos kasi para sa akin ang ganun.
Buti naman at napansin niya agad ang presensya ko, mukhang hinihintay nga ako ng isang to dahil di niya pa ginagalaw ang pagkain niya. "Really huh? Whatever." mataray nitong sagot, napailing na lang ako. Tsk.
Di na lang ako nagsalita, sa pag-iisa ko kasi kanina na pag-isip isip ko na dapat di ako makipagsabayan pa sa pang-aaway niya lagi sa akin. Pero kapag di na ako nakapagtimpi pa, di ako magdadalawang isip pa na gumawa ng isang bagay na di niya magugustuhan.
Oh wag kayong ma-green, hindi ang bagay na yun ang ibig kong sabihin. Kaya Louise, chill lang lagi. Fighting ika nga.
Gusto ko na rin kasi matapos ang gusot sa aming dalawa, papalampasin ko na lahat ng pambubully niya sa akin noon. Kaya magtitiis pa ako sa mga darating pang araw. Nakakairita lang talaga kasi siya minsan, putak ng putak! Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat yung salita ng salita pero wala namang sense ang sinasabi.
May gusto lang naman akong mangyari, yun ay —
Palambutin ang puso niya.
Ang corny lang diba? Pero ayos na yan, kahit tutol ako sa kasal namin noon pa lang, ayaw ko namang masayang ang mga pinagpaguran ng mga magulang namin.
"Bakit di mo pa kinakain ang pagkain mo?" tanong ko sa kanya yung isang crew naman hinahainan ako ng kakainin ko. "Totoo bang hinihintay mo raw ako?" ngisi ko, isa ito sa mga side ko na medyo maloko rin, wag lang nila akong subukan. Inaasar ko lang naman itong katabi ko.
"Btch please? At bakit naman kita hihintayin?" nagkibit balikat na lang ako, isa pa bastos talaga bunganga ng impaktang to. Kulang sa Moral Values! Btch raw? Tama bang sabihin yun sa harap ng pagkain?
Hinay-hinay lang arte, baka ang bibig mong yan ang ang magpahamak sayo :-).
--
Ninoy Aquino Int'l Airport, Pasay City, Metro Manila - 7:28 pm (Tuesday)
Paglabas namin ng arrival area ni arte, langhap ko na naman ang mausok at magulong kalsada ng kalakhang Maynila. Ngunit dito masasalamin ang iba't-ibang katangian nating mga pinoy, hays nakakamiss lang. Kahit ilang araw lang ako namalagi sa America, iba pa rin talaga kapag sa sarili mong bansa ka nagmula.
BINABASA MO ANG
Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]
Teen FictionSi Vienna Cheng ay half chinese pero pure maldita ng LCUniversity. Reyna na kung ituring sa paaralang pinapasukan niya dahil na rin ang mga magulang niya ang co - founder nito. Homophobic ito, against siya LGBT panay ang pandidiri niya kapag may nak...