CHAPTER 40 : Marriage Rules

116K 3.3K 3.2K
                                    

Louise POV

"I love you too Vienna. Wó aí nî." sincere at naka-ngiti kong bulong sa kanya habang hinahagod-hagod ang likod niya, iyakin niya talaga.

Naramdaman ko ang pag-luwag ng yakap niya sa akin at namumulang tiningnan ako. Tumutulo na naman ang luha sa mata niya. Bakit ba ang iyakin ng mahal ko?

"Alam mo na?" tumango ako bilang pagtugon pinahid ko naman agad ang mga luha sa mata niya. "Bakit ang iyakin mo? Ang pangit mo eh." biro ko at inasahan ko na bibigyan niya ako ng masamang tingin, tama nga ako.

Bago siya mag-umangal na naman niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Ang sarap niyang yakapin, ang init. Ang bango, natural na yun pero iba talaga eh.

"Aray!" napa-ngiwi at napasimangot ako bigla. Sino ba namang hindi eh kinagat niya balikat ko! Matapos niyang sandalan at iyakan, kakagatin niya lang?!

"Bakit mo ginawa yun?" naka-labi kong tanong. Ang sakit kaya ng pagka-kagat niya, nanggigil pa nga at bumakat ngipin niya. "How dare you to call me ugly? Kung may pangit man dito, si Audrey yun!"

"Bakit naman biglang nasingit si Audrey sa usa- ah teka.." habang hinihimas ko ang kaliwang balikat ko na kinagat niya na napawi na agad ang sakit ngayon napangiti ako dahil halata ang pagseselos sa mukha niya.

"Ah! Kaya nga pala nag-walk out ka sa laro kanina dahil alam mong maglalapat ang l--"

"Subukan mong ituloy!"

"Na maghahalikan kami ni Audrey." itinuloy ko pa din, sasabihin ko sana na maglalapat ang labi namin ni Audrey kaya iniba ko na lang. Nag-iba na naman ang timpla ng mukha niya.

"What are you still doing here?! Lumabas ka at magsama kayo!" nagkibit balikat na lang ako. Sige, sabi niya eh. Kunwaring malungkot na paalis na ako ng kwarto namin ng tawagin niya ako.

"Argh.. Louise!" hanggang ngayon ba naman na alam ko na yung salitang sinabi niya sa akin nung nasa park kami, mag-iinarte pa din siya?

"Oh?" nag-ala best actress muna ako kahit na hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Si Vienna yan Louise, papatagalin mo pa ba?

"Hindi bagay sayo magpa-cute! Lumapit ka sa akin." dun na ako tuluyang namula, pati siguro ang tenga ko namumula na dahil sa pag-iinit ng mukha ko.

Gaya ng sinabi niya lumapit na ako, totopakin na naman kasi siya. Pagpunta ko sa harap niya, nagkatitigan kami. Parang gustong tumalon ng puso ko habang nakikipag-titigan sa singkitin niyang mata. Nababasa ko ang love sa mga matang yun.

Nagulat na lang ako nang tanggalin niya ang suot kong salamin malinaw pa rin naman sa mata ko ang maganda niyang mukha na halatang namumula ngayon.

"I lov—damn it!" parang nahihiya siyang ituloy yun kaya umiwas pa ng tingin sa akin. Kinuha ko ulit ang salamin ko sa kamay niya, pagka-suot ko ng salamin hinawakan ko siya sa balikat at kinuha ang isang kamay niya para hawakan.

"Umamin ka na pala last week bakit di mo sabihin ng diretso ngayon?" seryoso at naghahamon kong tanong sa kanya. Baka kasi panaginip lang lahat 'to at paggising ko umasa na naman ako sa wala. Masakit yun. Isa pa, gusto kong malaman ang lahat-lahat baka hanggang ngayon may confusion pang gumugulo sa kanya.

Napansin ko pang napalunok siya at umiwas na naman ng tingin. Kahit nga ako dito kinakabahan pa rin. "Arte mo pa din ha." sabi ko at marahang hinawakan ang chin niya para tumingin sa akin ng diretso.

"Nahihiya ka ba?" bulong kong tanong walang halong pang-aasar yun. Napa-kagat labi ako at walang pakundangang sinabi na - "Mahal kita Vienna, ngayon sabihin mo sa akin kung totoong mahal mo na rin ako?"

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon