CHAPTER 17 : Day 1 with Vienna

60.6K 2.4K 411
                                    

Louise POV

Napapangiwi na lang ako sa kaartehan ni arte, kaya nga arte ang tawag ko sa kanya eh. Binato ba naman niya ako ng throw pillow kanina, sadista! Pasalamat na lang talaga siya dahil marunong akong magtimpi, balak ko nga kasing palambutin ang puso niyang sintigas ng bato.

Corny mo!

Pero seryoso, sawang-sawa na kasi ako sa bangayan naming dalawa. Wala yatang araw na di kami nagsisigawan, nakakasawa rin lagi kung paulit-ulit! Siya naman, di nakikisama!

Tulad ngayon..

"Oh please, erase your number 1 rule!" reklamo niya. Ano bang problema niya sa unang rule ko? Magluluto at maghuhugas lang ng mga pagkakainan. Tsk.

"Ayoko nga. Ikaw na nga nagsabi diba? Walang maid na makakasama tayo dito, pwes matuto ka." kalmado kong sagot, pa-chill chill lang ako sa ngayon. Huwag lang niya akong i-provoke at papatulan ko na ang kaartehan niya.

"Argh!" di ko siya tinitingnan dahil busy ako sa pagkalikot ng phone ko. Hinahanap na ako nila Jamie at bakit hanggang ngayon di pa rin daw ako pumapasok. May load naman ako pero di ko alam ang sasabihin ko sa kanila, alangan namang 'Pasensya na. Kinasal kasi ako kay Vienna Cheng..blah. blah.' Edi baka friendship over na kaming tatlo kung sakali man. OA mang pakinggan pero baka magulat lang sila kapag sinabi ko sa kanila ang bagay na yun. Lalo na kay Audrey na hindi pa talaga kilala ang tunay na ako, si Jamie naman alam na Lazaro nga ako pero may mas malalim pang dahilan dun.

Ilang minuto rin ang nakalipas at pakiramdam ko ay biglang nanahimik ang paligid, himala? Dahil sa kaganapang yun ay napatingin ako kay Vienna, nasa couch lang rin naman siya nakaupo gaya ko, malayo nga lang ang distansya namin sa isa't-isa. Napansin ko na nakasandal siya, nakapikit at hawak niya ulit yung ice pack na nakalapat sa noo niyang bukol. Napaka-clumsy ba naman.

Ang tahimik bigla, ganito naman talaga yung gusto ko diba? Pero ang nakakabinging katahimikan ngayon sa pagitan naming dalawa ay mas masakit sa tenga. Bakit? Parang nakakarinig kasi ako ng mga insekto sa paligid.

Napatingin ako sa oras ng phone ko at mag-a-ales tres na pala, ang bilis talaga ng oras. Ni hindi pa nga kami nakakapananghalian. Bigla namang nag-ring ang hawak kong phone at si Audrey ang naka-flash sa screen, tumatawag.

Agad ko naman itong sinagot, maghahanda na ako sa mga itatanong niya. "H-hello Audrey." sabi ko nang nauutal pa, di ko alam kung bakit at para saan yun. Kinakabahan lang siguro kasi di ako magaling sa pagsisinungaling. Narinig ko naman ang pagsinghal ni arte, problema niya? Di naman siya nagsalita kaya di ko siya tinapunan ng tingin.

"Louise, where have you been?" husky ang pagkakasabi niya at parang pabulong lang. Yan na nga at nagtatanong na, knowing Audrey mapilit siya minsan at kukulitin ka hanggang sa bumigay ka. "I went to your boarding house but you were not there." dagdag pa niya, napapikit ako ng mariin ang galing naman manghuli agad ni Audrey. Bakit ba kasi nagpupunta pa siya sa dating boarding house ko? 

"A-ah Audrey, umuwi kasi ako sa probinsya namin. Y-yun nga!"napapakamot ako sa ulo ko na di naman makati at napakagat na naman ng labi. Kaya ayaw ko nang nagsisinungaling, mahahalata agad dahil sa gawi ko.

"Tss. Obviously, you're not good at lying." biglang pagsasalita naman ni arte, napangiwi naman ako ng marinig yun. Baka narinig ni Audrey sa kabilang linya lalo na at kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, tahimik ang paligid.

"Louise, may kausap ka ba diyan? I heard someone." sinasabi ko na nga, pahamak talaga ang maarteng yun. "Ah wala ah haha." tawa ko na lang para maibsan ang uneasiness ko, gaya nga ng sabi ko hindi ako magaling sa ganitong bagay, ang pagsisinungaling. Pero syempre dapat galingan ko kahit masama pa yun.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon