CHAPTER 29 : Dating Wifey

79.1K 2.7K 3.5K
                                    

Louise POV

"I fcking hate you! Fcking hate you.. I feel betrayed, cheated. You lied on me.." mula sa pagsisigawan namin sa isa't isa, nawalang parang bula ang inis sa akin dahil sa sinabi niya.

Lalo na at nakita kong may likidong pumatak sa kaliwang mata niya.

Nakakainis naman kasi eh, maayos naman na kami nung nasa Greece tapos pagbalik naman dito napansin kong iniiwasan naman niya ako. Kaya di ko na rin napigilang sigawan siya kanina. Naalala ko pa na ka-date niya si Cedric Yu na minsan na siyang minanyak, paano kung saan siya dalahin nun diba?!

"S-sorry. Hindi ko sinasadya." ayoko ng ganitong drama pero masakit palang makitang umiyak siya, lalo na at ako ang dahilan.

Para kaming mga bata.

Ang tanga-tanga mo Louise! Matalino ka nga pero pagdating sa ganitong bagay, mahina ka! sigaw ng utak ko.

Niyakap ko siya sa bewang niya at hinagod-hagod ito. Ewan ko kung bakit bigla-bigla na lang siyang umiyak, siguro may kinikimkim siya? Siguro dahil nagsinungaling ako sa kanya? Na pinaghintay ko siya?

Hays.

Patuloy lang siyang sa pag-iyak, halos mabasa na nga ang damit ko eh. Pero okay lang, may naging kasalanan rin naman ako.

Iyakin talaga siya eh 'no?

Napapa-kagat labi na lang ako sa mga nangyayari ngayon, kaya ako nagkakaganito kasi parang may gusto akong pigilan... ayaw kong may bigla akong masabi na hindi ko rin naman alam kung may kasiguraduhan ba o ano. Nakaka-konsensya na, dapat una palang hindi na ako pumayag sa gusto ni Audrey.

Tinanggal ko na ang yakap ko sa kanya at pinunasan ang luhang pumatak sa kanya kani-kani lang.

Biniro ko pa siya na ang pangit niya umiyak, kahit hindi naman talaga. Paraan ko lang yun para maibsan yung something na naramdaman ko nang mag-burst out siya, sakit? Lungkot? Guilt?

Ewan. Halo-halo eh. Basta di ako natutuwa na kaya siya nagkakaganito ay dahil sa akin.

Bigla niya tuloy akong sinamaan nang tingin. Bago pa siya magsalita, ako na ang nauna.

"Sincere yung paghingi ko ng tawad sayo. Promise, itatama ko na ang pagkakamali ko." bulong ko at namalayan ko na lang siya na hinalikan ko sa noo niya. 

Alam nyo yung pakiramdam na parang may kiti-kiti sa loob ng tyan niyo? Teka masyadong gross, ang ibig kong sabihin paru-paro?  Ganun yung epekto niya sa akin nung hinalikan ko siya, kahit noo pa lang yun.

Bumitiw naman ako agad, mamaya sabihan niya ako na chansing ako eh. Napangiti yata ako saglit nang makitang namumula siya. "Uy, bakit ka namumula? Nababaliko na ba kita?" asar ko, nang mapagtanto ko ang sinabi kong yun gusto kong sabunutan ang sarili ko. 

Bakit ba bigla kong tinanong yun sa kanya? Asa naman na magka-gusto siya sa akin diba? Pero parang invalid din naman kasi bigla siyang namula pagkatapos kong halikan ang noo niya, diba kapag namumula, kinikilig yan o kaya ay napupuno na sa galit? 

"Baliko your ass!"

"Nagbibiro lang." oo na, alam ko naman na hinding-hindi mo ako magugustuhan. Sayang naman. Kung tutuusin, crush ko siya noon pa lang, hindi pa kami blockmates nun pero dumating kasi yung araw kung saan natapakan ko yung new pedicured nails niya kuno. Nainis ako nun, na-turn-off. Arte kasi eh. Tapos dumating sa puntong, lalo kaming pinag-lapit nang mapag-larong tadhana. 

Sino bang hindi magkaka-gusto sa maarteng ito diba? All package na, ugali na lang talaga. Pero ika nga, opposites do attract. 

Bakit naman bigla kong naiisip ang mga ganung bagay?  

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon