CHAPTER 39 : Chapstick Challenge

124K 3.3K 3.5K
                                    


Vienna POV

"It's for you to find out, for the mean time let's go back to our home." tinitigan ko siya ng mariin sa mga mata niya at nabasa ko agad ang pagkalito.

*sigh*

She didn't knew that it was a confession, well my fault. Paano ba naman sinadya ko na pabulong lang yung word na yun kaya di niya masyadong narinig. It's not easy to confess.

I admit, I really do love her too. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko, sa tingin ko pa nga mas nauna pa akong minahal siya bago siya nag-confessed sa akin. Yes, I'm sht afraid of the consequences pero mas lumala lang pala sa dahil sa kaartehan ko.

"A-anong ibig sabihin nun? Ang labo, di ko masyadong naintindihan binulong mo lang eh." I gave her a neutral look, ayaw kong mag-bigay sa kanya ng hint kung ano yun. Nahihiya ako.

"Sabi ko sayo, hindi mo malalaman kung hindi ka babalik sa bahay natin."

"Naguguluhan ako sa kinikilos mo ngayon.."

"Sssh." tinapat ko ang index finger ko sa lips niya. Alam kong napaka-unpredictable kong tao kaya naguguluhan siya ngayon ayaw ko lang muna sabihin ng directly like I love you or ugh mahal kita. It's not because I'm still having a second thought, although she already prove that she's love me.

"Come on." hinila ko ang kamay niya sa new car ko, she's still dumbfounded kaya binigla ko ang paghila sa kanya.

"Aray naman! May balak ka bang baliin ang braso ko?"

"Ang bagal mo!" duh! Sigawan raw ba ako?

After I made a confession ganun lang? Well may part din na kasalanan ko dahil ang arte ko, kapag naman sinabi ko so nagdiwang na kayong lahat? Hello, magpapa-kipot muna ako!

"Drive." utos ko. Wag siyang umasa na magp-please na naman ako sa kanya 'no, hindi ko rin ugaling mag-habol dahil ako ang hinahabol.

"Ako?" turo pa niya sa sarili niya, kanina pa akong nanggigil sa pagiging inosente niya. So cute!

"Yeah, may sinabi ba akong ako magda-drive?" mataray kong sagot. Natural na pagiging mataray o masungit sa akin pero that's not mean na I'm being harsh or whatsoever again to her, dati lang yun. Kaya nga kung di siya babalik sa akin I mean sa bahay namin hindi niya makukuha ang I love you too ko, manigas siya.

"Weird. May payakap-yakap pa siya kanina, umiyak at sinabing bumalik na raw ako tapos magtataray sa akin ngayon?" rinig kong bulong niya. Tama naman siya dun, so ako na ang weird. Di ko napigilang ikutan siya ng mata.

Sorry ka na lang cheap, kailangan mo muna akong paghirapan ng tuluyan bago mo ako ulit makuha.

Oh diba ang arte ko at isip bata pa. Wala kayong pakialam. Haha.

"I told you ikaw mag-dri--"

"Pinag-buksan lang kita, OA nito."

"Ulitin mo nga sinabi mo?!" ito na naman siya at nang-aasar!

But she refused, she just smiled sweetly a genuine one. Damn that smile. This butterflies feeling on my stomach again. The only person that could make me feel that feeling, Louise.

Kunwaring inis na pumasok ako sa loob ng passenger's seat tsaka niya sinara ang pinto ng kotse at umikot pa para siya ang mag-drive. Lihim akong napangiti, tinigil ko na ang pag-ngiti agad isipin nyo pang nababaliw na ako. Sa ganda kong ito?

Nagsimula na siyang mag-drive bagay na bagay din pala sa kanya yung kotse ko. She looks so hot.

Buti na lang at madilim na sa labas, ilaw na lang dito sa car ko ang liwanag namin. I can't help but to stare at her, those almond eyes na natatakpan ng nerdy glasses niya. Actually may salamin man siya o wala, she's indeed pretty, iba na rin siya manamit ngayon anyway kahit ano pang style ng pananamit niya she's so f*ckng cool!

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon