CHAPTER 9 : Going Home

64.8K 2.4K 978
                                    

Louise POV

Mabigat ang loob ko na pumasok sa taxi at sinabihan si manong taxi driver a kailangan niyang bilisan ang pagmaneho para makarating ako agad sa amin. Ang malas naman ng araw na 'to para sa akin, Lord may ikasasama pa po ba? Lubusin Nyo na po para matapos na lahat.

Kasalukuyang tinatahak na namin ni manong taxi driver ang kahabaan ng kalsada, medyo hindi naman traffic dahil exclusive mansion ang dadaanan namin, kung saan talaga ako nakatira.

Habang bumabyahe medyo sumakit ang ulo ko at nahihilo pa rin dahil sa mga nangyari. Si arte na hindi manlang nag-sorry kahit aksidente lang yung pagkakatama sa akin nung bola pero kahit na! Siya ang nagpalo nun sa ere at natamaan ako, nadamay pa tuloy ang suot kong salamin kanina, na ngayon ay basag na at di na mapapakinabangan pa. Di talaga marunong makonsensya ang isang yun. Sayang naman yung subject naming Values Education kung di niya gagamitin.

Idagdag pa na natanggal ako sa trabaho ko sa coffee shop dahil sa kahibangan ni dad kaya ang tuloy eh mapapauwi talaga ako sa amin ng di oras.

"Ma'am kaliwa o kanan?" tanong ni manong driver na nagpabalik sa akin sa realidad. Tumingin ako sa labas at papaliko na pala kami, ang bilis ni manong ah, di ko namalayan agad yun. Masunurin si manong na dapat na bilisan.

"Kanan po manong, salamat po." tumango lang si manong at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Tumingin ako sa harap at napansin kong tumingin si manong driver sa salaming nakaharap rin sa kanya para makita ang pasahero sa likod, syempre ako yun.

"Iha, bakit ka naka-simangot riyan? Kay ganda mong babae eh di dapat lumulukot ang iyong mukha." pagsita niya sa akin, halata na bang inis na inis ako sa mga nangyayari ngayon? Pero salamat manong, di ko lang talaga mapigilang di sumimangot sa mga nangyari. Pero halatang may accent tong si manong driver, taga Batangas siguro siya.

Hindi ako nagsalita at tahimik pa rin, wala naman akong masabi. Alangan namang sabihin ko pa diba? Di kasi ako story teller.

"Hulaan ko ikaw ay naglayas dahil sumama ka sa iyong nobyo pero tinakot ka ng iyong magulang kaya babalik ka sa inyo."

Luh ano daw? Si manong driver ang tsimoso rin eh no? Kahit kailan ay di ako magkakaroon ng nobyo na sinasabi niya. Sa naglayas lang naman tumama si manong.

Dahil sa hula raw niya kuno ni manong, doon na ako nagsalita. "Di ho, mahabang kwento po." sagot ko, si manong driver naman ay tumingin ulit sa salamin at sinisipat ako sa likod kung totoo nga ba sinabi ko. Ayaw atang maniwala ni manong.

"Ganun ba iha? Kung ano man yang ikinasisimangot ng iyong mukha ay lilipas rin yan. Lagi mong susundin ang payo ng mga magulang kung ayaw mong matulad sa panganay kong anak na nawala sa landas at nabuntis ng maaga.." malungkot at may bahid ng pagpipighati ang sinabi ni manong. Akala talaga niya siguro ay tungkol sa relasyon sa nobyo ko raw ang kinasisimangot ng mukha ko.

"Ganun ho ba, salamat po manong susundin ko po yan." sabi ko na lang, tama naman si manong. Basta ba si dad wag sarili lang ang iniisip niya kung ang tingin niya ay nakakabuti ba talaga sa akin o hindi.

Napansin ko na lang na huminto bigla sa pagmamaneho si manong, napatingin ako sa may unahan at nasa mismong harap na pala kami ng gate.

"Sir, bawal po ang anumang pampasaherong sasakyan sa loob. Paumanhin po." bungad ng guard pagkababa ni manong driver nung bintana sa gilid niya. Oo nga pala, puro sasakyan lang ng mga may-ari ng mansion sa loob ang pwedeng sasakyan sa loob.

"Iha, mukhang hanggang dito na lamang at bawal pala ang pampasaherong sasakyan sa loob." turan ni manong kaya napatango na lang ako. Nagbayad na ako sa kanya at lumabas ng taxi.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon