CHAPTER 42 : Getaway

111K 3.5K 2.6K
                                    

Vienna POV

"Kayla, Joice I think we need to go." nagtitimpi kong sinabi sa kanila. Nagtitimpi dahil baka mag-out burst na lang ako bigla, ayaw kong gumawa ng eskandalo dito.

"Ganun ba?" rinig kong salita ni Joice, tumayo na rin silang dalawa and both kissed my cheek. "Sorry if we ruined your date." Kayla. I just nodded, hindi ko matapunan ng tingin si Louise. Yung reaction niya nang banggitin yun ni Joice hindi siya mapakali, she's hiding something to me that she doesn't want me to know.

Just what Joice blurted out, alam ko na yun nga ang dahilan kung bakit naging ganun ang reaksyon niya bigla. May tiwala naman ako sa dalawa sa mga napag-usapan namin pero nakakapagod agad ang gabing 'to at gusto ko na agad magpahinga.

With this cheater.

Naiisip ko pa lang ang possibility na naging sila nga, nag-iinit na ang mata ko.

We left the restaurant, ako na mismo ang pumasok sa car niya di ko na binalak na hintayin pa niya akong pagbuksan. May kasalanan siya sa akin, never niya binanggit sa akin ang ganung bagay.

All of this time may relasyon sila ng babaeng yun? What the f*ck?! So ano itong pinaparamdam at pinapakita niya sa akin? Fake lang at ginagawa din niya kay Audrey?! May nalalaman pa siyang pag-alis sa bahay nun, argh kaya pala nung araw na yun grabe siya makapag-tanggol sa kanya!

Let her explain.

May side talaga na kailangan bigyan ko siya ng explanation, but the heck of my intractable emotions napapangunahan na naman ako ng pag-iisip ng kung anu-ano. Yeah, overthinking. I can't help it, two words and one finger of this sht.

"V-Vienna.." I can sense her uneasiness the way she calls my name.

"Shut up."

Better to talk about it when we finally got home.

She started her car's engine on the way to our house. Walang nagsasalita sa amin habang nagda-drive siya pauwi, dahil nga sa pina-tahimik ko muna siya duh. Ako naman, nakasandal lang habang tumitingin sa labas kahit na madilim na.

Patuloy pa ring nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Joice. Two timer huh?

Kaya ba panay ang aligid ng sinto-sintong yun sa kanya? For all I care, ito lang din ang kahihinatnan ng relasyon namin? Hah! Ang kapal ng mukha nila!

But sht.

Stupida Vienna.

Wait bakit magka-rhyme?!

"Vienna.." geez. Pagkapasok ko pa lang sa loob hinawakan niya ang wrist ko. Cold ko lang siyang tiningnan pati ang paghawak niya sa akin.

"Let me go."

"Ayaw ko." pagmamatigasan pa niya. Ano pa bang gusto niyang sabihin?! Base na rin sa reaksyon niya kanina, naniniwala na nga ako na may relasyon sila ng Audrey na yun!

"Hindi ka ba maka-intindi? Okay, tatagalugin ko na. Bitawan mo ako!" bulyaw ko. F*ck. Pinapangunahan na naman ako ng emosyon ko, I hate to feel this, I hate to see those almond eyes na biglang nag-registered ng pain sa mga matang yun.

No, Vienna. Don't make yourself fooled again by something that is not true. Kung alam ko lang, fake lang pinapakita niya.

Pero di rin siya nagpatinag, talaga naman Lazaro huh? Gusto pa niya atang i-translate ko pa sa mandarin!

"Louise, bibilangan kita. Kapag di mo pa ako binitawan..." bigla akong nawalan ng sasabihin, anong klaseng pagbabanta yun na wala rin naman akong mapapala. Isa pa, kung titigan niya ako parang sorry ang sinasabi ng mata niya.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon