Chapter 7

3.4K 83 0
                                    

Alyssa's POV

Shit! Late nko. Bakit pa kasi ako natulog after practice eh. I have class at 10 A.M. today and its already 9:40 tapos may exam pa kami.

Nasa Eliazo pako ngayon. Wala mga teammates ko dahil may pasok rin. Kung lalakarin ko from here papuntang building ng klase ko, mga 20 minutes din yun. Bahala na, tatakbuhin ko nalang.

Tumatakbo nko. Sana makaabot ako, ang strict pa naman ng prof ko hindi na niya pinapapasok ang mga late.

Not long enough, may puting kotse na dumaan at huminto sa tapat ko. Ano ba naman mamang driver bat dito kapa huminto, youre blocking my way yun tuloy nabawasan na ako ng 1 minute. Huhuhuh

Lalampasan ko na sana yung kotse nang biglang may tumawag sakin.

"Alyssa!"

Ano ba naman, nagmamadali na nga ako eh. Parang galing sa loob ng kotse at yun nakababa na ang window nito pero hindi ko pa nakilala ang driver. Sino ba to?

Na sense niya ata na nagtataka ako kaya lumabas siya.

Si Kiefer Ravena.

Kilala ko rin naman siya noh, sino ba namang hindi? Pero hindi talaga kami close.

"Saan ka papunta. Tsaka why in a hurry?"- He asked.

Gwapo niya pala pag nakasmile. Huy! ano ba Alyssa late ka na. No time for that.

"Uhm, I have a class pa kasi eh, tapos late nko. Ah sige Kiefer ha, kaylangan ko na talaga mauna. Sorry"- I answered.

I was about to run again when he called me ulit.

"Saan ba building mo? Hatid na kita"- Him

I just looked at him. Sayang naman, pagsumakay ako makakasave din ako ng time at energy. Pero nakakahiya eh.

"Ano? Tututukan mo lang ba ako jan? Dali na."-he said again.

"Are you sure it's okay? Baka nakakaabala ako"

"Mag o-offer bako kung hindi okay? Dali na kasi sabi, sige ka malate ka niyan lalo."- sabi niya at sumakay na.

Sumakay na din ako, sayang naman.
"Saan ka ba?"-he asked.

At yun, I told him where.

"Uhm Kiefer, thank you talaga ha."-I said.

"It's okay" then he smiled to me. Ano ba naman wag kana kasing ngumiti, nakakahilo.

Inabutan niya ako ng box of tissue.
"Magpunas kana muna ng pawis mo oh, daig mo pa galing training"

Langya, so anong pinapalabas niya?

"So, sinasabi mong mabaho ako? Ganun?"-I said.

"Hala, hindi kaya. Tsaka ikaw lang siguro kilala kong pawis pero mabango parin."- He said.

I blushed.

"Nambola pa talaga."- sabi ko

"Hindi kita binobola"- he said to me.

Natawa nalang ako.

Dumating kami sa building ko 9:55 pa. Thank you Lord.

"Thank you talaga Kiefer ha. I owe you big, babawi rin ako."- I said to him.

"Ano ka ba, okay lang yun. Sige pasok kana baka dumating na prof mo"

"Okay thanks ulit."- sabi ko at lumabas na.

Dali-dali naman akong pumasok. Salamat wala pa si sir.

"Uy Ly, nakita ko yun. Ikaw ha"-Mae.

Classmate nga pala kami ni Mae dito tsaka seatmate ko siya.

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon