Chapter 31

4K 130 6
                                    

Kiefer's POV

I'm Kiefer Ravena at sobrang nababaliw na ako dahil kay Alyssa Valdez.

This past few days wala ng ibang bumabagabag sa isip ko kundi

'pano kung wala na talaga akong pag-asa?'

O di kaya

'Pano kung nakukulitan na talaga siya sa mga ginagawa ko.'

Sigh.

I know I said na hindi ako susuko, ayoko naman talaga eh. Pero ayoko ring masakal si Alyssa dahil sakin. Kung feeling ko na talaga na wala na, I can't do anything about it anymore. Buong buhay ko nalang sigurong sisisihin yung sarili ko sa nagawa ko sa kanya. Pero hanggang sa kaya pa, gagawin ko pa rin.

Lord kahit one sign lang please.

Hayst.

May sports camp nga pala kami ngayon sa Laguna. Basketball, Volleyball and Football.

Actually I'm excited kasi I knew na magkasama lang yung venue namin sa volleyball, which means palagi kong makikita si Aly. Hahaha. Obsessed na kung obsessed.

Late nakong nakarating sa Laguna dahil may mga last minute pa akong inasikaso.

Napasmile naman ako pagpasok ko sa gym nila. I saw Ly immediately, automatic tong mata ko eh. I can see that she's really enjoying teaching the kids. They're laughing, nakikipagkulitan rin.

"Matunaw na talaga yan Paps,  kakarating mo pa nga lang eh. Ganyan kana makatutok. Hahaha" Langya naman tong si Von, basta-basta nalang nagsasalita. Magkatabi na pala kami.

Tiningnan ko lang siya ng masama

"Wag mo na nga kong pakialaman. Kanina pa kayo nagstart?" Sabi ko habang naglalakad kami paupuntang bench.

"Mga 30 minutes na rin. May sasabihin sana ako sayo eh, kaso lang sabi mo wag nkong makialam. Sayang naman"- He teased me.

"Ano?" I asked.

"Diba sabi mo wag nako makialam? Edi hindi na. Involve pa naman si Alyssa sa sasabihin ko sana" biro pa niya.

Nacucrious na talaga ako, lalo nat kasali pa si Ly.

"Pessumal umayos ka nga. Malilintikan ka talaga sakin pag di ka pa nagsalita. Ano bang meron?"

Tiningnan lang niya ako, nang-aasar. Loko talaga.

"Isa" sabi ko.

Walang effect. Nilapitan ko naman siya.

"Uy paps, wag mokong sasaktan"- sabi niya. As if namang sasaktan ko siya, tsaka mas malaki pa to sakin noh. Tinatakot lang para umamin.

"Dalawa" humakbang pa ko.

"Tatl----"

"Oo na. Sasabihin ko na po"- he gave up. Tapos umupo siya sa bench. Tumabi naman ako.

"Ano ba yun?" I asked again.

"Kasi magkasama kaming pumunta dito ni Aly. Sumakay siya sakin. Nasa tatay niya daw yung sasakyan niya eh. Pinasabay ko nalang kaysa dun pa siya sa iba sumakay." Sabi niya.

Napasimangot naman ako.

"So nang aagaw kana ngayon paps ha? Tsaka may Lau kana. Walangya ka"- sabi ko.

Tiningnan niya naman ako tapos natawa.

"Wala akong inaagaw noh. Sayo na siya, kung papayag nga lang siya. Tsaka dapat ka ngang magpasalamat sakin eh. Kung hindi ko siya naunahang alokin malamang dun siya sa Alfred na yun sasakay"- he explained.

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon