Chapter 36

3.9K 122 13
                                    

Alyssa's POV

Tita Mozzy calling...

"Hello Tita?" I answered.

"Ly? Alam mo ba kung nasaan si Kiefer? Hindi pa kasi siya umuuwi simula kaninang hapon eh. Hes supposed to land this afternoon. Tinawagan ko naman yung kasama niya sabi niya naman nakauwi na daw sila. Tapos pinuna na niya ng uwi yung driver namin nasa kanya yung kotse. Pero maghahating gabi na wala pa din si Kiefer dito and hes not answering our calls." Tanong ni tita at worried yung voice niya.

What? Kiefer naman. Dont be like this.

"Uhm. Hindi ko rin po alam tita eh." I answered.

"May alam kaba na pwede niyang puntahan hija? Nagwoworry na talaga kami dito" - sabi niya na parang naiiyak na.

"I'll try finding him po. Tapos pagnakita ko na po siya I'll let you know agad."

"Okay, Thank You Ly." Tapos nagend na yung call.

°°°°°°°°°°°°
Pinuntahan ko na yung mga alam kong dapat niyang puntahan pero hindi ko parin siya nakikita.

Nasaan ka naba Kiefer?

Nag-isip pa ako kung saan siya pwedeng naroroon. Until may pumasok sa isip ko.

Shit. Hindi ko naman masyadong kabisado yung route papunta dun. Palagi namang siya yung nagdadarive pagpumupunta kami dun eh. Tapos masama pa yung weather. Pero trinry ko parin.

It took me I don't know how long until nakarating ako dito. Sa tambayan namin. Pagkadating na pagkadating ko I saw his car.

Thanks God.

Umuulan na naman ng konti.
Bumaba naman ako agad. Tapos pinuntahan ko siya. I saw him sitting on the hood of his car. Staring at I dont know. Basa na siya ng ulan.

"Baliw ka ba ha! Anong gusto mo magpakamatay?! Basa ka na nga masyado oh! Tapos uulan na naman! Hinahanap kana ng pamilya mo, nagwoworry na sila sayo Kiefer!" I shouted at him kung kaya ko lang tong sampalin. Ginawa ko na!

Tapos tumingin naman siya sa akin. He looks so sad. At alam ko yung dahilan.

Kita mo Alyssa? Duwag ka kasi. Hindi mo siya kayang ipaglaban jan sa takot mo

"Bakit Ly? Alam kong sinabi ko na tatanggapin ko yung desisyon mo. Pero please naman oh paki explain. Okay naman tayo diba? Pero bakit ganito?" Umiiyak na siya ngayon.

Shit. Ang sakit sakit palang nakikita yung taong mahal mo na nasasaktan at umiiyak dahil sayo. Mahal ko naman siya eh. I'm just a big coward na palaging takot masaktan. Pero ngayon nasasaktan akong nakikita siyang ganito.

"Because I don't deserve you okay! Hindi ko na kaya Kiefer. Tawagin mo na akong duwag, duwag naman talaga ako eh. Laging takot masaktan!" Sabi ko, umiiyak narin ako ngayon.

Tapos nilapitan niya ako.

"Please dont make this so hard" I continued.

"Sabihin mo sakin Alyssa, tell me straightly na hindi moko mahal. Papakawalan na talaga kita" piyok niyang sabi.

Lumalakas na yung ulan but neither of us cared.

"Hindi na yun importante Kiefer!"

"Of course it is! I know you love me Ly. Kahit na ilang beses mong itanggi"

"Oo mahal kita! Masaya kana?! Pero that doesnt mean anything! Kung kinakailangan kong lumayo sayo mawala lang tong nararamdam ko, gagawin ko!"

"Tangina naman Alyssa! Ipaglaban mo naman ako kahit konti oh! Wag ka namang duwag!" He shouted.

"Yun na nga eh. Duwag ako Kiefer! Wala na akong magagawa doon. Kaya pwede ba pabayaan nalang natin ang isat isa!"

"At bakit naman ha? Why dont you give us a chance? Mahal naman natin pareho yung isa't isa eh. I just dont get it kung bakit ka nagkakaganito."

"Kiefer umuwi ka na. Lumalakas na masyado tong ulan" I just said. Tapos niyakap niya ako.

"Ly Please. For the very last time ipaglaban mo naman tong tayo oh! Hindi ko kaya tong mag-isa. Ipaglaban mo naman ako please" he whispered habang umiiyak.

Umiyak nalang ako habang tinatanggal yung yakap niya. Then I walk away. I walk away from him again.

Tinext ko sila tita kung nasaan si Kiefer ngayon then nagdrive na ako pa alis habang umiiyak. The last thing I saw was him looking at me na lumalayo habang nauulanan.

*********
The next morning nagising nalang ako nang may nagdoorbell. Inayos ko muna yung sarili ko tapos pinuntahan na kung sino man yun.

Pagbukas ko si Lau pala.

"Lau ang aga mo ata?"

Tapos hinug niya ako. Then I froze on what she said next.

"Ly si Kiefer nasa hospital"

Para namang sumabog yung puso ko.

**********
AN: Kamusta kayo? 😯😯😯

Vote vote vote. Thank you !!!

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon