Chapter 23

3.5K 93 12
                                    

Kiefer's POV

Shit ka talaga Mika, ginugulo mo na naman tong buhay ko. Kung kailan masaya na ako ng wala ka tsaka ka naman eeksena. Nagkita kami pero hindi naman sinasadya. Pagkatapos yun ng game nila against Lady Eagles.

Flashback

Tapos na yung game nila Ly and I'm so proud dahil nanalo sila. Syempre kahit hindi sila nanalo proud parin ako. Pumunta muna ako ng restroom bago ko puntahan sila Alyssa

Paglabas ko, napatigil nalang ako nung nakita ko kung sino yung naghihintay sakin.

Si Mika. Nakabihis na siya. Nakajacket tapos naka jeans na.

"Kiefer" she said na parang naiiyak.

Hindi ako nagsalita.

"Kiefer. I'm so sorry" piyok niya.

Kumunot naman yung noo ko.

"Ilang buwan ng huli yang sorry mo"- I said coldly.

"Kief alam ko naman na galit ka talaga sakin eh. Pero please naman oh pakinggan mo ko."

I just stared at her.

"Nung time na pinakilala mo sakin si Jeron dun nagstart yung nararamdaman ko. I took you for granted kasi palagi din akong nagtatampo sayo dahil puro nalang iba yung inuuna mo kaysa sakin."-she

"Bumawi ako sayo Mika. Halos binigay ko na yung lahat! Pero anong ginawa mo ha? Pinagtabuyan mo lang ako!"- galit kong sabi sa kanya. Wala rin namang tao dito banda.

Umiyak na siya at lumapit sakin. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin.

"Ano ba Mika!"- sabi ko habang tinatanggal yung kamay niya pero ayaw bumitaw.

"Kief please, patawarin mo ko. Akala ko si Jeron na eh. Pero sising-sisi ako sa nagawa ko Kief. Hindi parin kita makalimutan. Miss na miss na kita. Miss na miss ko na yung dating tayo."- humagulhol siya sa dibdib ko.

Hindi ako nakagalaw. Hindi ko narin alam yung gagawin ko.

"Bakit ngayon pa ha? Masaya na ako. Tsaka wala namang ibang dapat sisihin kundi ikaw eh. Pinakawalan moko" sabi ko nalang.

"Kief please. I'll do everything. Mapatawad mo lang ako. I love you. Hindi naman nawala yun eh. Nabulag lang ako. I'm so sorry"

Napabuntong hininga naman ako. Tinanggal ko yung kamay niya sakin.

"Kung mahal mo talaga ako sana hindi moko pinagpalit! Tama na nga Mika. Listen to me okay. Matagal na tayong wala. May mahal na kong iba."

She just looked at me. Tapos nagulat ako sa sunod na sinabi niya.

"Hindi mo na kaylangang magpanggap Kief. Nasaktan mo na si Jeron dahil sa plano mo na paibigin si Alyssa sayo. Nandito nako ulit Kief. Stop your plan na. Please patawarin moko"- she said.

What the fuck! Paano niya nalaman? Sinasabi ko na nga ba makikialam na naman yung gagong Jeron na yun eh.

Nakita niya siguro na confused ako kaya nagsalita siya ulit.

"Maybe your confused kung bakit ko nalaman. Narinig ko kayong nagtatalo nung christmas party para sa mga athletes" she said.

Shit. Kailangang hindi to malaman ni Ly.

"No Mika. Totoong mahal ko si Alyssa."

"Kief alam kong galit ka sa akin pero hindi mo na kailangang magsinungaling. I know you still love me"

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon