Chapter 21

3.2K 73 2
                                    

Kiefer's POV

Months passed already and everything is smooth sailing. Nagtetraning parin nanam ako ng basketball para makapasok sa PBA at national team. Nag start na ang Volleyball season. As of now, nasa second round na sila at dalawa na yung talo ng Lady Eagles but still number one parin sila sa standing. Of course isa sa nakatalo sa kanila, maliban sa UP, ay ang La Salle.

I thought na okay nako ulit pagnakita ko si Mika. Pero I can still feel it eh, yung sakit dahil sa pagtraydor niya sakin. Though, sure na naman talaga ako na si Alyssa na yung mahal ko ngayon, pero hindi ko parin maiwasang tanungin yung sarili ko kung saan ba ako nagkulang at kung bakit ganun-ganun lang niya kadali kalimutan yung tatlong taon naming pagsasama. Ganun-ganun lang niya ako kadaling makalimutan.

Mukha namang masaya si Mika as what I can see. Kilala ko rin naman siya noh, tatlong taon kaya kaming nagkasama. Pero mukha rin siyang masaya na hindi. Alam niyo yun. Yun bang masaya siya pero pinipilit lang niya, hindi natural. In other simple word- malungkot.

Siguro dahil hindi naging kanya si Jeron.

At ano namang paki mo?- si brain na naman syempre.

"Wala akong paki noh. Di ba pwedeng napansin ko lang?"-bulong ko sa sarili ko.

Ano bayan, para naman akong baliw  dito, kinakausap yung sarili.

*kringggg*

Sino na naman to?

Pagkakita ko sa caller id, napasmile naman ako. Parati naman eh basta siya.


"Yes babe?"- I said.

"Okay pa ba yung dinner na sinabi mo kanina? Natapos kasi ng maaga yung training namin eh." -Alyssa answered.

Hindi na niya rin ako kinocorrect kung tatawagin ko siyang babe, basta kami lang dalawa at hindi sa public.

"Of course naman, basta ikaw. So ano sunduin na kita jan?" I asked.

"Kung wala ka ng ginagawa. Nasa Eliazo na ako."

"Okay. On my way na. Baba ko na babe ha. I'm driving na eh. Love you " I smiled.

"Sige . Mag-ingat po sa pagdadrive ha."

Kahit hindi pa naman kami,
I always say I love her, totoo naman. I know ganun din siya sakin kahit hindi niya pa sinasabi sakin. Sa ibang paraan niya naman pinapakita. Like, nagseselos siya pag may iniintertain akong girl kahit fan lang naman, pero cute siya magselos. Tapos sometimes pinupunasan niya pawis ko after training. Nagagalit siya pag hindi ako kumakin ng maayos. Nagagalit siya kung nagtetraning parin ako kahit may sakit. And other simple things.

Hayst sana nga tama ako dun.

Tinext niya ako na wag ng magpark at sabihan ko lang daw siya pag nasa Eliazo na ako tsaka na siya lalabas para narin makaalis na kami agad.

I texted her naman tapos maya-maya lumabas na siya at pumasok sa kotse.

"Good evening Ly. Saan mo gustong kumain?"- I asid habang nakangiti.

"Anywhere nalang Kief basta may pagkain. Hahaha. Gutom na po eh"- she laughed. So good in my ears lagi yung tawa nito.

We did small talks sa kotse malapit lang naman sa Ateneo yung pinuntahan namin. Gutom na daw eh at alam niyo na, bawal siyang magutom.

"What time nga pala yung game niyo this saturday?"- I asked her habang kumakain kami.

"4 PM pa" sagot niya.

"Okay, See you"

Napatingin naman siya sakin at tumigil muna sa pagkain then she raised an eyebrow.

"Bakit naman? You know na La Salle yung kalaban namin, right? Nandun yung ex mo"- tanong niya.

Alam naman niya syempre na naging kami ni Mika ng matagal. I told her that. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko alam kung gusto ko bang makita si Mika ulit matapos ang lahat. Pero syempre hindi niya alam ang lahat. Hindi niya alam yung dahilan kung bakit kami naghiwalay. Ang sinabi ko lang, it didnt worked for the both of us.

Ang isa pang maganda kay Alyssa ay yung hindi ka niya pipilitin. Kung gusto mong e share edi e share pero pag hindi ka pa ready'ng sabihin sa kanya okay lang daw, she understands naman.

Pero gustuhin ko mang sabihin sa kanya, hindi ko talaga magawa. Kasi nga duwag ako.

Napasmile nalang ako sa sinabi niya.

"Hindi naman siya yung pupuntahan ko dun noh. Yung Babe ko yung susuportahan ko and I know babawi sila"- I said.

"Swerte naman ng babe mong yun, suportado"- she smiled.

"Naman! Pero sa totoo lang ako talaga yung maswerte saming dalawa. Phenom at sobrang bait na nga, sexy pa." Asar ko sa kanya nang nakataas yung dalawa kong kilay.

Namula naman siya, hahaha. Kinurot ko nalang yung pisngi niya pero nahampas nga lang ako.

We just talked about random things pagkatapos umuwi na kami.

Pagdating naming Eliazo, bumaba rin ako at sinamahan siyang pumasok. Wala namang tao sa lobby. Aakyat na sana siya sa room nila when I stop her tapos niyakap ko siya.

"Hindi pa nga kita nahuhug, papasok kana agad"- bulong ko sa kanya.

"Ikaw, ang O.A mo talaga. Sobrang clingy."- sagot naman niya.

"Eh sa mamimiss na naman kita eh." I pouted.

"Para namang hindi tayo magkikita bukas"- she said.

"Iba yun. Kailangan ko pang maghintay ng ilang oras makita ka ulit. Hayst"- I said tapos siniksik ko nalang yung ulo ko sa leeg at balikat niya. Natawa naman siya.

"Okay okay, enough na. Sinasamantala mo naman yung pagkawalang tao dito eh. Chansing ka masyado sakin. Hahah"- sabi niya.

"Para namang hindi ka kinikilig"

Nahamapas tuloy ako.

"Cheh, sige na aakyat na ako ha"- She said tapos kiniss niya ko, sa cheeks nga lang hahaha. Dont worry Kiefer pagkayo na makikiss mo rin siya ng maayos.

After nun umuwi na ako.
Nung nasa kwarto na ako, I texted her my usual goodnight and I love you. Hinintay ko munang magreply pero wala na eh, tulog na siguro yun.

Nung wala talaga I decided to go to sleep nalang. Maya maya nag beep yung phone ko. Kinuha ko naman agad thinking its Alyssa. Sino pa ba?

But it's an unknown number, tiningnan ko lang. I froze in my bed, muntik ko nang mabitawan yung phone ko. What the heck! Kilala ko kung sino to kahit walang pangalan. Wala talagang pangalan yan dahil dinelete ko na to dati. I even memorized this number almost a year ago.


It's Mika.


From 09135792468:
Kiefer I'm so sorry. I miss you.

**********
AN: Hi readers! I'm back.
Syempre pasukan na naman ulit kaya maybe I'll update nalang pag weekends. Pero paghindi busy baka magupdate din ako kahit hindi weekend. Abang abang lang.

Thanks for reading !
Share your thoughts as always 😄😄😁

-RR

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon