Chapter 20

3.8K 92 3
                                    

Alyssa's POV

"Ate Ly, anong oras po ba yung date niyo ni manong?"- Bea asked.

Idinidiin niya talaga yung 'date'. Well, okay lang naman sakin.

"Sabi niya sunduin lang daw niya ako ng 7"- sabi ko habang nakahiga parin sa kama, yakap si Kipoy.

"Hindi ka pa po ba mag reready? It's already 6:30 oh" sabi niya ulit.

"Sabi niya din, magsuot daw ako ng komportable. So magshoshorts nalang ako. And you know I dont do make up. Kaya walang dapat paghandaan." I answered.

"Wala talagang exception sayo ate noh? Kahit Valentines"

"Ikaw wala ka bang date ngayon?" Tanong ko

"Diba obvious ate? Heto ako ngayon, walang ginagawa so which means wala"

"Gusto mo tawagan ko si Thir--"

"At bakit mo naman siya tatawagan? As if naman makikipagdate yun." Hindi niya pa talaga ako pinatapos.

"So gusto mong magdate kayo? Ikaw Bea, wag ka ngang masyadong in denial." Pang aasar ko.

She just rolled her eyes.

"Wala akong sinasabing gusto ko siyang makadate noh. At tsaka mahiya naman ako sayo ate. Akala mo naman hindi ka in denial pagdating kay manong."

At ayan bumalik na naman sakin.

"At least kami may date. Dapat kayo rin noh. Gusto mo sabihin ko kay Kiefer?" I teased her.

"Ate naman eh" at nagpout pa siya. Hahahaha.

"Okay okay. Quite nako" sabi ko tapos nagbihis na.

Nagshorts nalang ako tapos nike na three-forths shirt then sneakers. Eto yung meaning ng komportable sakin. Nagsuklay tapos lagay konti ng face powder at lip balm. Then I'm done.

Sakto namang dumating si Kiefer at napasmile ako pagkakita ko sa kanya. Matchy matchy ata kami ngayon ah. Naka three-forths din siya na nike na damit eh. May dala siyang flowers at binigay sakin. Then pumasok na kami ng sasakyan niya.

"Thank you sa flowers"- sabi ko.

"Your Welcome" He smiled.

"Saan ba tayo?" Tanong ko.

"Basta. Don't worry di na naman bago sa tin yung pupuntahan natin eh"

Hayst. Alam ko hindi niya talaga sasabihin kaya tumahimik nalang ako.

Then maya-maya nag stop siya sa gilid ng road tapos kumuha ng panyo.
"Para saan yan?"- I asked.

"Close your eyes. Iba-blindfold ko lang sayo"- he said.

"Kiefer ano na naman to? Hindi naman kailangang magblindfold pa eh."

"Basta, sumunod ka nalang. Malapit na naman tayo eh. Dali na"- pilit niya.

I sighed at piniringan niya nalang yung mata ko gamit yung panyo.
Tapos nagdrive na siya ulit.

Maya-maya nag stop na kami at pinatay niya na yung engine ng kotse.

"Nandito na tayo?" I asked.

"Yup"

"Pwede ko na tong tanggalin?" Sabi ko habang nakaturo sa mata ko.

"Wait lang"- tapos bumaba siya. Binuksan niya naman niya yung door sa side ko. Tapos inalalayan niya akong bumaba.

"Yan. You can take it off now."

Tinanggal ko naman. I let my eyes focus first then tiningnan ko kung nasaan kami.

Awe. I smiled.
Kiefer talaga may nalalaman pang ganito.

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon