Chapter 35

3.6K 103 4
                                    

Kiefer's POV

5 days pa nga lang ako dito pero gusto ko nang umuwi. Hayst. I miss her. Hindi rin naman pwedeng palagi ko siyang tatawagan, may mga ginagawa rin naman siya dun plus yung time difference pa.

Nagfofocus nalang ako sa training para magbunga rin naman tong paghihirap kong hindi nakikita si Alyssa para lang dito.

Sa totoo lang, ayaw ko talagang tumuloy dito eh kasi feeling ko may masamang mangyayari. Pero inignore ko nalang yun kasi alam ko kahit si Ly patutuluyin parin ako dito.

"Yo Kief, come with us tonight. Let's hangout. It's weekend" sabi ni Tyler. Kasama ko rin sa training.

Wala na rin naman akong gagawin. Tsaka ayokong maiwan mag-isa. Silang lahat kasi daw aalis.

"Okay. I'll go" sagot ko sa kanya.

"Nice. See you" he said tapos nagbihis na kami, kakatapos lang kasi naming magtraining.

Nagsports bar kami. Enjoy enjoy lang. While were in the middle of drinking and having fun, may tumabi sa akin.

"Hi Kiefer" paglingon ko si Lauren pala. Shes half-pinoy. Anak siya nung assistant coach namin dito.

"Oh Laur, sumama ka pala?" Tanong ko. Lumaki din naman to sa Pilipinas kaya nagtatagalog.

"Yep, mabobored lang ako dun mag-isa. Tsaka nandito rin mga friends ko" sabi niya sabay turo kung saan banda yung mga kaibigan niya.

Yun nag-usap lang kami. Kalaunan mukang nalasing na siya kasi nakasandal na sa akin eh, parang nakatulog na nga. Hala pano to.

"Kief, pwedeng ihatid mo nalang muna si Lauren sa hotel? May kakausapin pa kasi ako dito eh. And I don't trust others here" bulong ni coach Dwayne sa akin. Dad siya ni Lauren.

"Ah sige po coach. Gusto ko naring magpahinga eh"

Tapos nun hinatid ko na si Lauren. Nakakatayo pa naman siya pero para namang matutumba kaya inalalayan ko nalang. Pinasok ko siya sa room niya tapos umalis na din papuntang room ko.

Bago ako matulog, tinawagan ko muna si Ly pero walang sagot. Tulog pa siguro yun kaya tinext ko nalang.

To Babe:

Hi Ly! Good morning jan. Goodnight dito. I miss you.

Then pagkatapos natulog na rin ako.

********
Practice ulit kami ngayon.

"Hi Kiefer!" Sabi ni Lauren. Naging close narin kami nito simula nung hinatid ko siya pauwi. Nagthank you siya sakin the next day nun. Tapos yun, palagi na kaming nag-uusap.

Nagsmile nalang ako sa kanya. Napadaan lang din naman siya eh.

"So what's up with you and Lauren ha?" Sabi ni Ryan. Pilipino rin.

"Ha?" Ano nanaman tong pinagsasabi nito.

"Palagi kaya kayong magkasama. Tapos yung mga photos niyo  na pinopost, sweet. Kung ibang tao lang siguro ako malamang nag-assume na akong may something kayo." sabi niya.

"Loko. Kaibigan ko lang yun noh. Tsaka wala namang sweet sa post ko noh" Sagot ko naman.

"Alam niya ba yun?" Tanong niya ulit.

"Oo, magkaibigan lang talaga kami. Tsaka you know na may mahal na ako diba?" Sabi ko nalang.

Nagnod naman siya.

"Pero feeling ko talaga pare, may gusto si Lauren sayo eh"

"Kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya. May mahal nako. At in two weeks makikita ko na siya ulit sa Pilipinas" Napasmile naman ako.

Umiling nalang si Ryan habang nakangiti.

°°°°°°°°°°°°°°°°
3 days nalang uuwi na kami pero nababaliw na talaga ako. 4 days na akong iniignore ni Alyssa. Hindi ko naman alam kung bakit na naman. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh, sana hindi nalang ako tumuloy.

Gabi na ngayon sa Pilipinas pero I know gising pa yun.

To Babe:
Wag ka namang ganito oh. If you don't pick up the next time I call you, magpapabook na ako nang flight pauwi. And I'm dead serious.

Seryoso talaga ako. Kung kailangan kong umuwi ngayon, gagawin ko.

Calling Aly <3... Pick up please.

It took three rings for her to pick up.

"Ly! Whats wrong with you ha!? Bakit mo na naman ako iniiwasan?" Galit na rin ako.

Matagal siyang hindi sumagot.

"Kiefer, tama na. Ayoko na" natahimik naman ako. Ang lungkot ng boses niya.

"What?" Though, alam ko naman talaga yung ibig sabihin niya. Please wag namang ganito oh.

"Ayoko na Kief. I'm tired of trying to push myself to you. Masasaktan at masasaktan lang ako." She said.

"Ly, 3 days nalang uuwi nako. Please naman oh. I'm so confused right now." Naiiyak na ako dito.

"Tama na Kiefer. And please wag mo na akong kulitin. Sabi mo diba okay lang kahit sa huli maging magkaibigan nalang tayo. Yun yung gusto ko kaya pabayaan mo na ako Kief please. Masasaktan lang tayong dalawa."

Tumulo na yung luha ko dun. I dont know what to say. Narinig ko nalang na nag goodbye siya tapos nag end na yung call.

I did nothing but cry.

°°°°°°°°°°°

Alyssa's POV

Pagkaend na pagkaend nung call umiyak na ako.

Bakit ba ang duwag ko? Hindi ko rin alam kung bakit ko yun nagawa.

Okay lang naman kami nung bago pa siya umalis eh. Until rumors were all over social media. Picture niya at nung girl na sa pagkakaalam ko anak ng coach nila.

Alam kong hindi naman talaga ako niloloko ni Kiefer, pero eto yung kinakatakot ko eh. Yung nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. I tried ignoring it at first pero nung si Kief na nagpost ng picture nilang dalawa
(pero wala namang mali dun sa pinost niya, nagpost lang siya ng photo nila tapos may caption na hangout with this crazy..) Nasaktan talaga ako eh.

Hindi ko siya deserve. Duwag ako, matapang siya. Hindi namang pwedeng siya lang parati. At dahil din dun sa post niya nakita ko na pwede siyang maging masaya sa iba. Yung kaya naman siyang ipaglaban, di tulad ng isang tulad ko na walang ginawa.

Wala na akong ibang maisip ngayon kundi

Tama ba to?

*****************
AN: I just want you to know guys na, malapit na po itong mag end. Few more chapters bago epilogue. Nasasad ako.

Thank You!!!

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon