Chapter 34

3.9K 97 6
                                    

Alyssa's POV

"Wag ka ngang malikot sabi eh"- sabi ni Kiefer.

Magkasama kami ngayong Sunday. Bukas na kasi yung alis niya papuntang U.S. Pinilit niya talagang dapat magkasama kami ngayon. Actually hindi na naman ako kailangang pilitin eh gusto ko rin naman siyang makasama. Even if I'll admit it or not, I know deep inside mamimiss ko siya.

At ngayon, heto siya. Sobrang O.A kinakabitan pa talaga ako ng seatbelt kahit anong gawin kong pilit na ako na, siya nalang daw kasi. Ang tigas ng ulo kaya pinabayaan ko nalang. Kakatapos lang din naming maglunch. Ewan ko kung saan kami pupunta ngayon.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"- I asked.

"Sa Batanggas" he answered.

Napalingon naman ako sa kanya bigla. What?

"Saan?" I asked again.

"Sa Batanggas nga sabi eh. You know, kung hindi mo alam matatagpuan lang po yun dito sa Pilipinas" he said sarcastically.

Walanghiya. Namilosopo pa talaga.

"Ano namang gagawin natin doon sa Batanggas na matatagpuan lang po sa Pilipinas aber?" I rolled my eyes at him.

"Hayst. Ano pa, edi pupunta sa inyo"

Kumunot naman yung noo ko. Ano nanaman ba tong ginagawa ni Ravena.

"Ano na naman bang----

"Wag ka na nga pong maraming tanong your highness. Basta pupunta tayo sa inyo. Dadalaw lang, I know matagal tagal ka na ring hindi  nakakadalaw dun. Okay?" He cut me.

"Hay, bahala ka nga." Sabi ko nalang.

"Matulog ka nalang muna" - He said.

"Ayoko baka maligaw pa tayo"

He chuckled.

"Kung nakakalimutan mo po. Nakapunta nako sa inyo mag-isa noh. Naligaw ako nung unang beses, yung humingi ako ng tawad kila tito. Tapos twice after that."

So tatlong beses na pala siyang pumupunta sa aming mag-isa. Hindi man lang talaga sinabi nila Inay sakin.

"Are you sure?" I asked.

"Yup. I know inaantok ka rin. Kanina ka pa hikab ng hikab eh" he answered.

So yun natulog nalang ako.

°°°°°°°°°°

"Alyssa, gumising ka na nga jan!" Teka, hindi naman yun boses ni Kiefer ah. Pero familiar.

"Sige ka maaagaw na yun si Kiefer ng pinsan mo" What?

Inalog niya naman ako.

"Gumising ka na nga Ly" now I know kung sino to. Si kuya Nicko.

"Ihhh. Kuya naman eh" sabi ko habang inaayos ko yung paningin ko.

"Anong kuya naman eh. Kanina pa kaya kita ginigising. Tulog mantika ka parin hanggang ngayon" sabi niya.

Lumabas naman ako ng kotse tapos nagstretch.

"Kanina pa ba kami? Tsaka asan yung isa?" I asked.

"Mga maya-maya narin. Si Kiefer nasa loob na, iniintertain ni Katy. Sila Inay nasa bayan pa" He chuckled.

Si Katy, pinsan ko. Close kami nun nung mga bata pa kami.

Sabay na kaming pumasok ni kuya.
Pagpasok ko. Ayun nagkwekwentuhan yung dalawa. Para namang ang tagal-tagal na nilang magkakilala. Si Katy yung unang nakakita sakin.

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon