Chapter 25

3.2K 87 6
                                    


Kiefer's POV

Bawat araw na hindi ko nakikita si Alyssa ay para akong pinapatay. Dumating na yung kinakatakutan ko. Sobrang disappointed yung family ko nung sinabi ko sa kanila lalo na si mommy. Galit sakin yung mga kaibigan ko lalo na yung mga kaibigan ni Ly. I know alam nila kung nasaan si Ly ngayon pero ayaw talaga nila akong tulungan eh.

I deserved this. Pero sana naman bigyan niya ako ng chance magpaliwanag.

Pero mas masakit isipin na nasasaktan siya ngayon dahil sakin. And theres no one to blame but me. Hindi ko parin makalimutan yung sakit na kita sa mukha niya nung nalaman niya ang totoo.

Ginawa ko lahat ng alam kong paraan para makausap siya. Calls, I think she blocked me already. Emails, no replies. Nagmakaawa ako sa mga kaibigan niya, pero wala talaga. At higit sa lahat, pumunta ako sa Batanggas. Wala siya doon. Nagtapat ako kina tito, syempre nagalit sila. Muntik pa nga akong masapak ni kuya Paolo eh. Pero kahit ilang suntok pa yan, tatanggapin ko ng buo, dapat lang naman sakin.

Disappointed si tito Ruel sakin pero sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako nila dahil mahal ko si Alyssa. At isa lang yung sagot niya sakin.

"Hijo, kung talagang pursigido ka talaga sa anak ko, hindi ka susuko. At kita ko naman sayo na totoo yang mga sianasabi mo. Magpunta ka ba naman dito sa amin mag-isa. Umaasa lang ako na hindi mo na gagawin ulit yun. At sana hindi ako magsisi sayo. Okay na tayo kung okay na kayo ng anak namin. Pero sinasabi ko sayo Kief, mahirap yun si Ineng lalo na pag nasaktan talaga siya. Makakapatawad siya pero hindi yun makakalimot"

°°°°°°°°°
A week has passed already hindi ko parin siya nakikita.     

Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni Ly, nag-iisa. Ang sakit sakit na nung puso ko. Kahit ilang beses akong umiyak wala parin akong magawa. I miss her. I miss her so much. Mababaliw na yata ako eh.

Iniisip ko nalang na kailangan niya pa ng time. Pero bawat araw na lumipas, I feel na lumalayo na siya sakin lalo.

Ly please magpakita kana sakin. Mag-usap tayo. I love you.

********
AN: Very short update lang. Maisingit yung drama ni Kief. Hahah😀😐

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon