Chapter 33

3.6K 104 1
                                    

Kiefer's POV

"Good Morning Mom, Good morning Dan" bati ko kila mama pagpunta ko sa dining room. Magbebreakfast kami. Sila papa at Thirdy nauna nang umalis.

"Good morning anak" my mom smiled.

"Good morning manong, ang saya ata ng gising mo ah" Dani said.

"Ganito naman ako palagi ah"- I answered.

She rolled her eyes at me.
"Duh, manong. Hindi kaya. Mostly wala ka kaya sa mood pag mornings lalo na pag inaway ka ni Ate Ly"

My mom also chuckled habang naglalapag ng pagkain sa table.

"Oo nga anak. So tell us, may mangyayari ba? O baka naman sinagot kana ni Alyssa at hindi mo sinasabi sa akin. May kasunduan tayo na pag ganun dapat ako yung unang makaalam" Mom said habang nakatutok sakin.

"Ma naman eh. Hindi pa nga niya ako pinapayagang manligaw ulit eh. I'm still earning her forgiveness. Masaya lang ako dahil nag-oopen up na siya sakin unti-unti" I answered.

"Ganun ba? Basta wag mong kalimutan yung kasunduan natin ha. Malulungkot talaga ako pag hindi mo yun tinupad" she continued.

"Hindi pa naman po sure yun eh. Let's just hope na ganun nga yung mangyayari. Tsaka gagawin ko naman lahat para kay Ly"

Nagsmile nalang sila. Then we have our breakfast.

°°°°°°°°°°°°

I picked up Alyssa pagkatapos nung event na pinuntahan niya.

"How was the event?"- I asked pagkapasok niya sa kotse.

"Okay lang. It's been interesting. Marami akong natutunan sa mga speakers"-she answered.

"Mabuti naman. Dinner muna tayo oh" I offered.

"Akala ko ba susunduin mo lang ako? Masyado mo na talagang inaabuso tong kabaitan ko ha"- she said.

"Hindi abuso tawag dun noh. Syempre I have to take every chance pagdating sayo. Sige na please." Sabi ko ulit.

"Fine. Hindi ka rin naman titigil pag sinabi kong hindi eh." She rolled her eyes at me.

Nagsmile nalang ako.

Tahimik lang siya ulit habang kumakain. Hindi rin naman awkward, sakto lang.

"Uhm Ly, may sasabihin nga pala ako." I started.

Napatingin naman siya sakin.

"Ano yun?" She asked habang ngumunguya ng konti.

"Pupunta ako ng U.S. next week, sa Lunes na. One month ako dun."

Tumigil naman siya sa pagkain at nag-isip. Then she looks at me again.

"Okay. Hindi mo naman kailangang magpaalam sakin eh"

Yan nanaman siya. She don't get it na kailangan ko siyang sabihan dito. Alangan namang umalis lang ako ng hindi nagpapaalam.

"Ly, of course I have to tell you. Ano sa tingin mong mararamdaman mo kung umalis ako ng walang paalam tapos one month pa. Siguro wala kang pakialam pero ako meron, ayoko ngang umalis eh malalayo lang ako sayo." I sigh.

"Wag ka ngang O.A Kiefer. First of all wala namang tayo kaya you can do whatever you want kahit na hindi ka magpaalam sakin" Nagalit ata.

"Sorry sorry. I don't wanna fight okay. Kalimutan mo nalang yun. At least sinabi ko sayo. You just don't get it kung gaano ka kaimportante sakin" I whispered the last part pero I know narinig niya naman.

"I didnt mean it like that naman eh. Ang saakin lang, you have your own life Kief, hindi mo naman kailangang sabihin sakin lahat ng gagawin mo eh" sabi niya.

"Hindi lahat, pero eto kailangan. One month yun Ly. Nababaliw na nga ako ngayon kakaisip na hindi kita makikita nang ganun katagal eh"

She just sighed tapos kumain na kami ulit.

"Ly galit ka ba?" I asked. Hindi na kasi siya nagsalita ulit simula kanina eh.

"I'm not. Seriously I'm not. Nag-iisip lang" she said.

"Okay. Do you wanna go home after this or pasyal pasyal muna tayo?" I asked. Nagbabakasakali lang.

"Uhm. Wala narin naman akong gagawin eh, so I'll take the second" she smiled.

Napasmile narin ako. Kung dati pa 'to hindi talaga siya papayag gumala pa, even dinner nga ang hirap pilitin eh.

After dinner, nagroad trip lang kami. Syempre hindi kami dumaan sa EDSA noh. Malamang naipit na kami dun, pero okay lang din naman yun sakin basta kasama ko si Alyssa. Hahaha.

Hindi na siya masyadong tahimik ngayon, nakikipagkwentuhan na rin. Akala ko talaga magagalit siya sakin kanina eh, buti nalang hindi.

At the end nauwi ring sa may top kami nagpunta. Yung tambayan namin dati. Matagal ding hindi kami nakabalik dito ng magkasama. Dati kasi halos every other day akong nagpupunta ritong mag-isa eh.

"Matagal ka ring hindi nakapunta dito" Sabi ko habang nakaupo kami.

Tiningnan niya naman ako.

"Ako lang? So You mean pumupunta ka rito mag-isa?"- she asked.

I nod.
"Oo, halos araw araw ako dito nung iniiwasan mo pa talaga ako. Wala nakong magawa eh, kaya pumupunta nalang ako dito."

Natahimik naman siya.

"Pero at least ngayon kasama na kita" I continued then smiled.

Napabuntong hininga naman siya.

"Kiefer, please don't be like this" she said quitely.

Napatingin naman ako sa kanya.

"What dou you mean?" I asked her.

"Please don't push yourself too much on me. Ayokong umasa ka, ayaw kitang masaktan. Hindi ko narin alam yung gagawin ko eh." She answered.

Natahimik naman ako bago makasagot.

"Ly diba sabi ko noon okay lang sakin kahit sa huli ayaw mo pala sakin. Kahit masakit tatanggapin ko na lang at least alam kong ginawa ko lahat ng makakaya ko para sayo. Pero kulang lang nga lang" I sighed.

"But I can't promise anything Kiefer."

"You don't have to promise anything Ly. Payagan mo lang ako to be there for you, okay na sakin yun" sabi ko.

Hindi siya nagsalita so I continued.

"I have to ask this though, galit ka parin ba sa akin?" Tanong ko ng seryoso.

Matagal naman siyang nakasagot. Then I heard her sighed.

"No. Not anymore." She answered simply.

Nakahinga naman ako dun ng maluwag.

"Pero?" I said. I know na many pero yung sagot niya.

"Pero natatakot akong masaktan ulit"
Hayst.

"I understand. Thank you though, sa pagpapatawad mo sa akin. Ngayon, trust mo naman yung paghihirapan ko" I said.

"As I said wala akong maipapangako"

Tumango nalang ako. We changed topic after that. Yung light mood naman.

She let her guard down a little at masaya ako dun. It's good hearing her laugh with me again freely, without cautious.

Sigh. One month is going to be hell of days of waiting.

*********
AN: Sorry sa mabagal na updates 😯😂😀

Vote as always. Thank you. 😁😁😁

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon