Chapter 28

3.5K 108 9
                                    

Alyssa's POV

I cried all the way home. Gustong-gusto ko siyang yakapin pabalik pero ayoko nang umasa. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.


°°°°°°°°°°°

Almost two months have passed. I can say my life is already back to normal. Parang dati lang but with one person missing, at alam niyo na siguro kung sino yun.

Patuloy parin si Kiefer sa kanyang 'panunuyo' sakin pero naging manhid nalang ako. Ayoko nang maniwala sa kanya pero may mga panahon din na gustong-gusto ko na talagang maniwala but I can't afford to get hurt like that ever again. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

Kung anu-ano na yung mga pinaggagawa niya. Nalaman ko pa na pumunta pa talaga siya ng Batanggas para magsorry sa family ko. Nag-eeffort din siya sa mga kaibigan ko.

Naging busy ako this past few weeks dahil sa mga commitments and projects. Palagi niya naman akong binibisita kahit na ayaw ko, ang tigas ng bungo. Kahit ilang beses ko siyang itaboy ito lang yung isasagot niya sakin.

Alam mo namang hindi uubra sakin yang pananaboy mo diba? Babalik parin ako. Hindi kita susukuan.

Kaya madalas pinapabayaan ko nalang. Hindi ko nalang pinapansin. Hindi naman ako yung mapapagod eh. Bahala siyang masaktan.

At isa ngayon sa ilan sa mga araw ng pangungulit niya.

"Ly lunch tayo. Please?"- Kiefer.

"Busy ako. May pupuntahan pa ko" -sabi ko nalang.

"Samahan nalang kita"

Hindi nalang ako sumagot at naglakad na papuntang kotse. Sumunod parin siya.

"Sige na Ly. Pupunta ka na nang Doha bukas eh. Ilang araw rin kitang di makikita"

"Ano bang pakialam mo ha? Una palang sinabi ko na sayo na I dont want something to do with you. Ikaw lang naman yung mapilit eh. Pahirapan mo nalang yang sarili mo sa iba, yung may assurement ka."- bulyaw ko sa kanya at inistart ko na yung kotse tapos umalis.

Pupunta nga pala kami ng Doha bukas may exhibition game kami doon, kasama sina Den, Jho at Kiwi.

----

Kinabukasan, naghihintay na kami para sa flight namin. Kasama rin sila itay at momager Van.

"Anak hindi ka lang ba mag-papaalam kay Kiefer?"- sabi ni papa.

Ewan ko ba sa kanila. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Kiefer sa mga to, ang bilis napatawad. At ito namang si itay minsan kasabwat pa talaga sa mga pinaggagagawa nung loko.

Pati nga si Den eh. Matapos daw nilang mag 'heart to heart' talk hindi na daw siya galit kay Kiefer. Pero hindi rin naman siya 100 percent boto dun. At willing parin siyang rumesbak para sakin. Buti naman.

"Tay, hindi na po kailangan. At sino naman siya para magpaalam pako sa kanya?"- I said. Umiling nalang si papa.

"Pabayaan niyo na po yan tito. Masyadong in denial"- Kiwi.
Tiningnan ko nalang siya ng masama.

"Hindi ako in denial noh. Nag-iingat lang ako"- I answered.

"Okay okay sabi mo eh"- she just smiled.

Gabi na when we arrived at Doha airport. Natouch talaga ako, kasi naman ang daming taong naghintay samin dun para ma welcome lang kami. Nakakataba kaya ng puso.

Nagcheck in na kami sa hotel na pagsestayhan namin. Two days lang naman kami dito tapos bukas ng hapon yung exhibition game namin.

The next morning naisipan naming mamasyal, mamaya pa namang hapon yung game namin.

While I was at a shoes store, may tumawag sakin.

"Alyssa?" Familiar voice.

Lumingon naman ako.

Pagkita ko si Alfred pala. Alfred Valbuena ng UP.
Anong ginagawa nito dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tinanong niya sakin yung tanong ko. Hahaha.

"Ahh, may exhibition game kami mamaya with the Filipino community. I'm with Den, Amy, and Jho nga pala. Ikaw bakit ka nandito?"- tanong ko rin.

"Pasyal lang"- He smiled.

"Rich Kid ka talaga noh? Sa ibang bansa namamasyal"- I joked.

"Loko, kasama ko parents ko. May kakilala kasi sila dito"- sagot niya.

"Sige, sabi mo eh"- I laughed.

"Ahm, busy kaba ngayon? Coffee muna tayo oh. Or ice cream nalang mainit na kasi dito eh"- He offered.

Wala na naman akong gagawin, so pumayag nalang ako.

"Ice cream sounds nice." sabi ko.

He smiled naman.

"So let's go? I know a place malapit lang dito. Masarap, promise"- him.

Then umalis na kami. I texted Den also na aalis muna ko sandali.

Alfred is a fun guy. Ang daming kwento. Yun bang pwede ka lang umupo sa tapat niya at makinig lang sa kanya buong moment. Sa dami niyang kwento natunaw nalang yung ice cream niya. Dami kong tawa dito.

Dahil nagenjoy nga ako, diko na namalayan yung time hanggang sa tinawagan na ko ni momager.

"Ly, san kana? Maglulunch na tayo then magreready na kayo pagkatapos"-she said.

"Papunta na po. Sorry diko namalayan yung time."-I answered.

"Okay, balik kana dito sa hotel" then end call.

I turned to Alfred.

"Fred, mauna na ako ha. Magreready na kasi kami eh. Sorry."- I told him.

"It's Fine Ly. Thank you sa time. Pwede naman tayong maghangout sa Manila diba?"- He asked.

"Of course. I'll go na"- I said tapos sabay na kaming lumabas.

Tinext ako nila na nasa resto na daw sila, sumunod naman ako.

"Saan ka ba galing ha? Para namang kabisado mo na tong Doha."- sabi agad ni Den pagkaupo ko.

"Nagkita lang kami ni Alfred. Tapos nagyaya siyang mag icecream. Wala nanaman akong ginagawa kaya pumayag nako."- I replied.

"Alfred Valbuena ng UP?"

"Yep"

Tiningnan lang nila ako. Hindi ko nalang pinansin at kumain narin.

The game went well. May potential din maging magaling yung mga overseas nating kababayan sa volleyball. Masaya kami dahil maraming sumuporta at nanuod sa event. May meet and greet din after.

After the event nag dinner kami tapos bumalik nadin ako sa hotel room. Gusto ko na ring magpahinga. Bago ako matulog nagcheck muna ko ulit ng phone ko.

13 messages

Kadalasan puro mga kaibigan ko, nangangamusta. Pero kilala ko to eh, malamang pasalubong talaga yung pakay. Hahaha.


Pero meron din naman dun kay Ravena.

From 09921468248:

Hi Ly! Miss na po kita sobra. Alam kong hindi ka na naman naniniwala bahala ka kung ayaw mo, basta totoo yun. :-/

From 09921468248:
Hindi mo lang ba ako namimiss? Kahit konti?

Hindi ko na siya blinock pero dinelete ko naman yung number niya. Pero memorize ko rin naman, tanga eh. I just delete it para di ako ma temp na mag text, pati rin mga messages niya dinidelete ko na agad after kong basahin. Buti nga binabasa ko pa eh, pasalamat siya.

Ang sabihin mo gusto mo talagang basahin- utak ko.

Hayst. Bahala siya.

I just hate myself na ganito parin ako ka affected pag siya na yung pinag-usapan. I hate that he has this kind of control to me. Kahit anong pilit ko hindi ko parin magawang kalimutan siya.

************
AN: Please Vote ✔✔✔

Thank you 😀

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon