Chapter 14

3.5K 115 5
                                    

Alyssa's POV

Magkasama kami ni Jeron ngayon. Yes, nakauwi na siya galing US last week pa. Bumisita lang siya dito sa Eliazo.
Kwentuhan lang kami.

"Uhm Ly. Can I ask you something?"-said.

"Of course. What is it ba?"- tanong ko.

"Ah, its about you and Kiefer kasi."

Oh.

Hinintay ko lang siyang magsalita.
"Whats with you and him ba? I mean if its okay for me to ask. Kasi pansin ko lang sobrang close niyo na eh."-sabi niya.

Nag-isip naman ako ng right words para isagot sa tanong niya.

"We're friends" totoo naman diba?

"Nanliligaw ba siya sayo?"- He asked.

I sighed.

Buti nga kung ganun eh, pero hindi naman.
So inamin mo na rin na gusto mong manligaw si Kiefer sayo?- sabi ni brain.

"Hindi rin. I mean, palagi nalang talaga kaming nagkikita dito sa Ateneo. Tapos hangout hangout, ganun. Naalala ko nga after nung nagpakilala siya sakin, palagi na niya akong kinukulit eh. Pero yung saktong kulit lang."

"Ahh" - he simply said.

Tiningnan ko siya at he looks like he's figuring something out. Para bang my puzzle na sinosolve sa utak niya. Pero hindi ko alam.

"Kailan kayo nagstart maging friends?"- he asked again.

Napaisip naman ako.

"Uhm. Maybe two months after basketball season"- sagot ko.

Nag-isip na naman siya.

"Bakit mo naman natanong?"- I asked him.

"Ah, wala lang."- He said. At nagsmile pero pilit.

We just drop the subject after that.

°°°°°°°°°°°°

Nasaan na ba yun si Ravena. Sabi niya may pupuntahan daw kami at sabay nalang daw kaming maglunch. Pero mag te-30 minutes na hindi parin dumarating, nag text naman siya na on the way na daw siya. Hayssttt. Nagugutom nako.

Mga ilang minuto pa ang lumipas bumukas ang pinto dito sa lobby ng Eliazo. Pagtingin ko, hay salamat at hindi pa pala ako mamatay sa gutom.

"Bakit ba ang tagal-tagal mo ha? Kanina pa kumakalam tong sikmura ko"- sabi ko agad sakanya.

"Wala man lang Hi?"- saway niya.

"Nako tigil-tigilan mo ko Ravena"-banta ko sa kanya. Nagugutom na talaga ako eh.

"Sorry po, may pinadaanan lang si Mama. Tara na nga, baka mag wild ka pa dito." -sabi niya. At sumakay na kami sa kotse niya. Inistart niya naman kaagad at nagdrive.

"Saan ba tayo pupunta ha? Siguraduhin mo lang na may pagkain dun, kundi lagot ka talaga sakin."- I said.

Tumawa naman siya. "Ang takaw mo talaga. Pupunta tayo sa amin"

"Bakit tayo pupunta sa inyo?"- I asked.

"Maglulunch. Gutom ka na diba?"- sabi niya naman.

"Ihh, sa iba nalang tayo mag lunch."

"Sa amin nalang. Naghanda si mommy para sayo. Gusto ka daw nilang mameet."

WHAT!!? Bakit pa? Tsaka bakit ako kinakabahan.

"Uhm, kilala ko na naman si Maam Mozzy eh, palagi kaya kaming nagkikita tuwing games."

"No, they want to meet you bilang kaibigan ko. Si dad, Thirdy tsaka si Dani"

What Comes Around Goes Around (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon