Special Force- Arrange marriage?

25 0 0
                                    

calling.....

B.Mark

Lumayo muna ako kaunti kina Lizette syaka ko sinagot ang tawag ni kuya.

" oh bakit?"

{" san ka ngayon?"}

" sa lugar na wala ka."

{" sagutin mo ako ng maayos! san ka ba ngayon? Bakit ang ingay diyan."}

" bakit nga kasi?"

{" umuwi ka na dito sa bahay.Importante lang.Umuwi ka na ngayon din!. With in 30 minutes dapat nandito ka na sa bahay."}

Bastos! Binabaan ba naman ako.Bumalik ako sa pwesto ko kanina at kinulbit si Lizette na bising busy kakasigaw.

" mauna na ako.Tumawag si kuya.Pinapauwi ako importante daw."

" Ganun ba? Malapit na matapos laro nila."

" i need to go na kasi." kinulbit ko naman si Neil lumingon naman siya sa akin.

" ikaw na maghatid kay Lizette ha.Iuwi mo siya kaagad sa bahay nila.Huwag mo na dalhin kung saan saan."

" Hindi mo ba hihintayin si Sean?"

" Huwag na! Kailangan ko na umuwi talaga.Sige.Pakisabi na lang sa kanya na umuwi na ako.Psst! hoi! Lizette umuwi ka kaagad ha.Itext mo ko kapag nakauwi kana.Sige na alis na ako." Nagsimula na akong humakbang.

" mag ingat ka Xiara" habol ni Lizette.Nagnod lang ako.

Habang nagbabyahe ako naramdaman ko ang pagbavibrate ng phone ko sa bulsa ng jeans ko.Dinedma ko lang.Alangan naman sasagutin ko.Madidisgrasya ako.

Pagkadating ko sa harap ng bahay namin ang daming sasakyan.Anong meron?.

Bumusina ako para pagbuksan nila ako ng gate.

Agad naman bumukas ang gate namin.Ipinasok ko ang motor ko sa loob at iginarahe.Nandito din ang kotse ng magaling kong kapatid.

" Mabuti at umuwi ka na.Bilisan mo diyan pumasok ka na sa loob.Kanina ka pa nila hinihintay."

bungad kaagad sa akin ni kuya.Tinanggal ko na ang helmet ko at binitbit ito papasok ng bahay.

" Ano bang meron ngayon at aligaga ang mga katulong.? Syaka bakit ang daming nakapark na kotse sa labas.Nagpaparty ka ba kuya?"

" Mamaya na.Malalaman mo rin.Umakyat ka muna sa kwarto at magbihis ka ng desenteng damit.Sumunod ka kaagad sa kusina.Bilisan mo diyan!"

" Ano ba kasi ang meron?"

" Tss! Mamaya ka na magtanong?! Magbihis ka na.Hinihintay ka na nila dad."

Agad naman ako kinabahan.Bakit nandito si dad.?

Umakyat ako at pumunta ng kwarto.Agad naman ako naghanap ng disenteng damit.Ano ba kasi ang meron bakit pa magbihis.

Pagkatapos ko magbihIs ay bumaba na ako at pumunta sa kusina.

Nadatnan ko silang kumakain ng dinner.Hindi lang si dad ang nandito.Pati si mommy. Bakit ang daming pagkain?May okasyon ba? Birthday ba ni dad.Malayo pa ang birthday niya.

" oh . Finally my daughter is here.Halika dito iha.May ipapakilala ako sayo." Salubong sa akin ni dad.Tumayo siya at hinila ako papunta sa harapan ng mga bisita niya.

" iha.I would like you to meet Mr.Messervet Lasconia and his wife Mrs.Ella Lasconia." pakilala sa akin ni dad sa mag asawa sa harapan ko.Ngumiti lang ako kahit hindi ko pa alam kung anu ang nangyayari sa sorroundings.Tiningnan ko ang mukha ni kuya na nakatingin lang sa amin ng seryoso.

SF: Special ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon