Special Force- Unexpected

8 0 0
                                    

Pagkalabas ng prof. namin ay agad din akong tumayo at lumabas ng classroom.

"Hoy Xiara!. Hintay naman. Parang hindi mo ako kasama ah.." reklamo ni Lizette ng makahabol na siya sa akin.

"Sorry. Bilisan mo diyan. Hahanapin ko pa si Shafer." sabi ko sa kanya habang pababa na kami ng hagdan.

"Mukhang nasa field ata sila. May practice ang soccer team."

Hindi ko na siya sinagot. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa field.

Nagtitinginan ang mga tao sa amin habang naglalakad kami papunta sa coach nila. Nagbubulungan ang mga fan girls na nanunuod. Kahit mainit hindi talaga sila nagpapaawat sa kakapantasya sa mga players ng soccer.

"Excuse me coach. Can I talk to Mr. Lasconia for a while?."

"Sure Ms.Yuson." ngiti niyang tugon sa akin. Pumito siya gamit ang whistle na nakasabit sa leeg niya.

"Break muna tayo guys... Rickz nandito girlfriend mo."

Literal na napanganga ako. Nako naman!. Lagot talaga ang lalaking to sa akin.

"Ang gwapo pa rin ni Shafer kahit pawis na pawis Xiara..Eeeeiii! Ang hot." sabay sundot sa tagiliran ko. Hindi ko naman talaga maitatanggi na gwapo pa rin siya kahit pawis na pawis. Ang bango pa rin niyang tingnan. Tiningnan ko si Lizette ng masama.

"Sorry. Ito naman selos agad. Humahanga lang naman ako sa BOYFRIEND mo."

"Tsss.."

Hindi ko na pinansin si Lizette. Nakita ko naman na papalapit na sa amin si Shafer.

"Hi." bati niya sa akin pagkalapit niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What?" tanong niya sa akin.

"What what ka diyan.!. Bakit mo pinagkalat ang ginawa mong panghaharana sa akin. At bakit mo pinagsabi na girlfriend mo ako.. Alam mo ba ang ayoko sa lahat ay yung tamp----" napatigil ako sa pagsasalita sa ginawa niya.

"Shocks!. Totoo pala talaga ang usap usapan na sila na. Oh My God. Im gonna die.!"

"Kinikilig ako.."

"OH my God!."

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Infront of many people. Sa kalagitnaan ng field. Sa ilalim ng tirik na araw. Hinalikan niya ako. Spell kamatis. A-K-O. Kasing pula ko na siguro ang kamatis. Nako naman!.

"Ang ingay mo kasi." sabi pa niya pagkatapos niya bitawan ang mga labi ko.

Hindi ako makasagot. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Nakakahiya. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tumakbo ako palayo sa kanya. Naririnig ko pa ang mga bulong bulungan ng mga nakakita sa ginawa niya. Hindi ko alam kung saan ako papunta.. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko namalayan na dinala pala ako ng mga paa ko sa music room. Mabuti na lang walang tao.

Sobrang natameme ako sa nangyari sa akin kanina. Hindi naman sa OA ang reaction ko. First time to nangyari sa akin. First time sa isang lalaki na gumawa sa akin ng ganito. I never expect it. Isa pa. Mas lalong tampulan ako ng usapan sa buong campus. I hate it!.

Nakita ko ang piano sa gitna ng music room. Nilapitan ko ito at tinanggal ang takip. Its been so long. I really miss playing piano. Hinimas ko ang bawat pyesa. Lumikha ito ng tunog. The last time i used to play this is when I was in 13 years old. Birthday namin ni Excel yun.

Plinay ko ang piano. I used to play this song when Excel requested me.

[- Shafer POV-]

Masama na ba ngayon na maging proud kasi girlfriend ko siya?. Masaya lang talaga ako . Isa pa hindi naman ako ang nagkalat nun eh kundi ang girlfriend ng isa kong kateamate.

San na kaya yun pumunta?

Dumaan ako sa hallway ng building ng CAS. May narinig akong tumugtog. Sinundan ko ito. Parang nanggaling sa music room. Hinanap ko ang music room. Nang matagpuan ko na ay agad ko itong binuksan. Nakita ko si Xiara sa harapan ng piano. Siya pala ang tumutugtog. Hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto. Tumayo lang ako sa gilid ng pintuan at pinapanood siyang tumutugtog at kumakanta.

Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya. Tanging ang tunog lang ng piano at boses niya ang naririnig ko sa buong silid. Puno ng pangungulila ang kanta niya. Lalapit na sana ako sa kanya ng hindi ko sinasadya mahulog ang stick ng drum sa kinatatayuan ko. Kaya lumikha ito ng ingay.

"Sino yan?" narinig ko ang mga hakbang niya papunta sa kinaroroonan ko.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Ha? Ah.. eh. . Kinukuha ang nahulog na drumstick.?"

"tsss!" papaalis na siya. Kaya agad kong hinawakan ang braso niya.

"Xiara. Sorry."

Humarap siya sa akin at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag sa pag ngiti niya.

"Ang ayoko lang naman ay maging tampulan tayo ng usapan. Na parang halos ang mga mata nila ay nakabantay sa atin. Varsity player ka. Sikat ka. Ayoko ng ganun. All my life here in school ay pribado. Nobody knows about me. Except sa mga officials."

"Now I know. Kaya sorry." hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"May magagawa pa ba ako?. Kalat na eh'.Basta wag lang ako kalabanin ng mga fan girls mo. Baka ano pa ang magawa ko sa kanila." she rolled her eyes at nag cross arms. It looks cute to her pag ginagawa niya yun.

"Silly. Hindi yun mangyayari kasi ako ang makakalaban nila." I grab her arms and hug her so tight.

"Hey! Sandali.. Hindi ako makahinga." reklamo niya sa pagyakap ko bigla sa kanya.

"Im afraid of loosing you. Natakot ako kanina baka ayawan mo na ako. Hindi ko naman kasi alam. Kabago pa lang natin pero nag away na tayo. Sana kung may problema pag usapan natin." kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at tiningnan siya sa mga mata.

"Basta wag mo naman sana gawin yun sa harap ng maraming tao." nahihiya niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Hindi ko magets kung anu ang tinutukoy niya.

"Ang alin?"

"Yung ginawa mo kanina." namumula na siya.

"Anu pala ang ginawa ko kanina?" inosente kong tanong sa kanya. Nakakatawa na ang reaksyon niya. Hindi na siya makatingin sa akin.

"Yung kanina."

"Ahhh..." ngiti kong sabi na parang nagets ko na ang tinutukoy niya.

"Yung ganito." hinalikan ko siya agad sa labi. Smack lang naman.

"Sige hindi ko na yun gagawin sa harap ng ibang tao."

Hinawakan ko ang baba niya at iniharap sa akin. Unti unting bumaba ang mukha ko sa mukha niya. Napapikit na siya sa gagawin ko. Hinalikan ko ang mga labi niya. Puno ng sensiridad ang mga halik na binigay ko sa kanya. Tumugon naman siya sa mga halik ko. Niyakap ko siya dahil iba na ang nararamdaman ko. Baka hindi ko mapigilan.

"I Love you Xiara." bulong ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"I love you too shafer."

CRN- Waaaaaa!. Intense. habang sinusulat ko ito ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa eksena. Nadala lang ba ako o baka naman may sakit na ako sa puso.. Wahahaha!. Chos!.

Atlast nakapag update na din ako. Sorry nga po pala kasi naging busy lang po talaga sa pag aaral. Dahil bakasyon na. Asahan niyo po ang pag uupdate ko ng regular. Wala pong araw ang pag uupdate ko. Basta may pumasok sa utak ko na update magsusulat ako. But don't cha worry. Maybe I can update twice a week. Pag hindi ako sumpungin ng sakit ko.

Yun lang. Maraming salamat sa pagbabasa.

Vote

Comment

Be a fan pag may time. ^_^

God bless.

© CupidReign

SF: Special ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon