Special Force- Whatever

21 0 0
                                    

[- Xiara's POV-]

Ayan na.. Mukhang galit na siya. Salubong na ang kilay niya.

" Gagawin mo ba o hindi.?"

" No!"

" Di wag."

Lumabas na siya ng kwarto at malakas na isinara ang pintuan. Patay! Galit na talaga. Akala ko pa naman kasi magpapauto siya. Nako naman! >_<

Lumipas ang ilang oras hindi na talaga siya bumalik. Kanina ko na rin ininom ang gamot ko. Napagtripan ko lang naman siya eh!. Galit na talaga yun sa akin. *pout*

Bakit ko ba inaalala kung galit ba siya. Ako na nga tong may sakit siya pa ang nagagalit sa akin. Bahala siya sa buhay niya. Keber ko.

Biglang bumukas ang pintuan. Akala ko bumalik na siya,hindi pala.

"Oh. Bakit ganyan ang mukha mo. Akala ko napano ka na. Mabuti buhay ka pa."

"Paano mo nalaman na nahospital ako?"

"Tandaan mo kambal tayo. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Alam kong may nangyari sayo. Kaya inalam ko."

" Mabuti nakapasok ka dito. Baka may makakita sayo. Baka dumating bigla si kuya. Kundi sila mommy at daddy."

" Madali lang naman lusutan yan eh. Ako pa."

" Whatever.!"

Umupo siya sa upuan sa gilid ng kama ko.

"Kumusta na kalagayan mo?"

"Kita mo naman di ba. Okay ako. Medyo maputla lang."

"Yan kasi. Nagpupuyat. Iwasan mo rin ang maaasim na pagkain."

"Bakit ikaw hindi nagkaganito."

" Kasi healthy ako." sabay de kwatro at cross arms habang nakatingin sa akin.

" So ibig sabihin sakitin ako.? Ganun?"

" Hmmm.. Parang ganun na nga."

" Hmmp!" sabay batok sa kanya.

" Aray ko!! Masakit yun ah!. Ikaw lang ang nambabatok sa akin."

" Dapat ako lang talaga." Natatawa ako sa itsura niya kasi medyo nagulo ang wig niya. Kaya inaayos niya.

" Kung wala ka lang talagang sakit ngayon baka nasipa na kita."

" Woaah! Im scared."

" Tumahimik kana. Anyway, bakit nasa labas si Shafer? Akala ko malala ng kalagayan mo kaya hindi pwede pumasok."

" Nasa labas lang siya? Akala ko iniwan na niya ako." Lang hiya talaga ang lalaki na yun. Akala ko pa naman iniwan na akong mag isa dito. Kanina pa pala yun nasa labas.

"Ano na naman ba ginawa mo?"

" Wala!"

"Wala? Kaya pala pagpasok ko parang disapointed ka kasi ako lang pala."

"Hindi kaya! Wala akong ginawa sa kanya no!"

"Bakit ganun ang mukha nun?"

"Bakit ano ba mukha niya?"

"Gwapo! Hahahaha!"

"Anong nakakatawa?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala may naaalala lang ako."

"Sino?"

"Kapartner ko sa bagong misyon ko."

"Misyon?"

"Oo. Kilala mo siya. Sige na. Alis na ako. Nagmamadali ako eh. Dumaan lang ako dito para makita kalagayan mo." tumayo na siya..

"Wait.. Excel.." lumingon siya sa akin ng sa may pintuan na siya.

"Bakit?"

"Siya din ba yung sinabi mo sa akin nung nagskype tayo?"

"Oo."

"Sino nga kasi yun. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin.?"

"Hindi pwede. Basta! Alis na ako. Magpagaling ka."

Lumabas na siya ng kwarto. Napaisip ako. Sino nga kaya yung kapartner ni Excel sa misyon niya na kakilala ko. Wala naman akong kakilala na nagtatrabaho kagaya ng trabaho ng kapatid ko. Bahala na. Malalaman ko rin kung sino yun.

[-Black Devil's POV-]

Pagkapasok ko sa opisina ni tanda ay nandito na si Sean. Hanep sa porma.! Nakakasilaw talaga!

"Good morning Chief!" bati ko kay tanda. Syempre kapag siya ang kaharap ko Chief ang tawag ko sa kanya. Baka batukan ako niyan e, kapag tawagin ko siyang tanda. Napakaconcious pa naman niya sa edad niya.

"Have a sit Miss Black." umupo ako sa couch kaharap ng table ni tanda katabi ko naman si Sean. Nginitian ko lang siya ganun din siya sa akin.

"Here's the folder." binigay niya sa amin ang folder. Tig-iisa kami ni Sean. Naglalaman ito ng magiging identity namin sa pagpasok namin sa skul para sa bagong misyon namin.

"As you can see. Nakalagay sa folder na yan ang mga magiging pangalan niyo at address. Si Miss Black bilang teacher ng skul at ikaw naman Sean bilang technical staff."

"Technical staff lang ako Chief? Bakit? Dapat teacher din ako."

"Hindi pwede. Dapat magkahiwalay kayo para dali niyo malaman about sa bintahan ng droga na yan. May balita din ako na minsan nagtatransaction sila through internet. Kaya nga ikaw ang nilagay ko sa technical staff nila para malaya kang makagalaw ng mga computers, cctv , at monitor na nakapaloob sa skwelahan na yan."

"Kailan kami magsisimula Chief?"

"Bukas na bukas din."

SF: Special ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon