Tingin ulit sa orasan. 10pm na. Wala parin siya. Saan kaya pumunta ang mokong na yun. Kanina pa ako dito naghihintay. Malapit na matapos ang pinapanood kong palabas. Sana nagtext man lang siya or tumawag at sabihin na malelate siya ng uwi. Nag aalala lang naman ako. Ngayon lang siya lumabas at late ng uuwi. Nako naman! Kainiiisss! Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya. Nakakailang ring na hindi pa rin niya sinasagot.
"Arrgh! Nasaan ka bang mokong ka! Bwisit ka talaga!" Dinial ulit ang number niya.
"Xiara?" napalingon ako sa tumawag sa akin. "Gabi na masyado bakit ka pa hindi natutulog. Magpupuyat ka na naman. Nako bata ka. Kakalabas mo lang ng hospital. Umakyat ka na." pinatay ni nanay ang t.v.
"Nay alam niyo po ba kung saan pumunta si shafer? Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko." napangiti si nanay sa sinabi ko.
"Sabi niya pupunta lang daw siya sa kaibigan niya. Huwag kang mag alala uuwi din yun. Sige na matulog ka na. Bawal kang magpuyat baka magkasakit ka na naman ulit."
"Sige po. Good night po nay. " hinalikan ko sa pisngi si nanay at umakyat na sa kwarto. Humiga kaagad ako sa kama ko at tiningnan ang kisame. Ilang minuto din ako nakipagtitigan sa kisame. Unti unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa napapikit na ako.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng sasakyan na bumubusina sa labas. Agad akong bumangon at sinilip ang bintana. Sasakyan ni Shafer ang nasa labas. Agad agad akong lumabas ng bahay at pinagbuksan siya. Baka tulog na tulog si nanay kaya hindi nagising sa busina ni Shafer. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wristwatch ko. Mag aalas tres na pala. Sinara ko kaagad ang gate pagkapasok ng kotse niya.
"Bakit gising ka pa?" lumingon ako sa kanya. Aba!
"Nagising ako sa kabubusina mo." hinarap ko siya. Kitang kita sa mukha niya na namumula siya. Teka!
"Lasing ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Nakainom lang. Pumasok ka na at matulog."
"Saan ka pala galing? Madaling araw na. Umuwi ka pang amoy alak."
"Sa kaibigan ko lang. Niyaya niya kasi ako ng inuman." tinalikuran ako at pumasok na siya sa loob. Bastos talaga. Sinundan ko naman siya agad.
"Sinong kaibigan yan?. Anong okasyon?" pangungulit ko sa kanya habang hinahabol siya paakyat ng hagdan.
"Hindi mo naman din kilala."
"Sino nga. Sabihin mo lang ang pangalan. Babae ba siya o lalaki?"
Tumigil siya sa pag akyat at nilingon ako.
"Babae." he smirked.
Pumasok na siya sa kwarto niya at ako? Heto nganga. All this time sa pag alala ko sa kanya ang kasama lang pala niya ay babae? Bwisit!.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Hinahanap ko ang pwesto kung saan ako makakatulog. Nagpaikot ikot na ako sa kama.
"Aaarrrggghhh!" sabay gulo sa buhok ko. Ginugulo pa rin ako ng babaeng kasama niya. Sino kaya ang babaeng yun? Ano kaya ang ginawa nila?. Syempre mga nakainom sila pareho. Arrrrgggh!. Kainisss!
Lumabas ako sa kwarto at pumunta kusina. Kinuha ko ang fresh milk na binigay sa akin ni Sean. Umupo ako sa dining table. Nagsalin ako sa baso at ininom.
"Bakit gising ka pa.?"
"Ayyy!Lechon! Ba't nanggugulat?"
"Bakit gising ka pa?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko. Leche! Nang dahil sayo kaya hindi na ako makatulog. Kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kape. Patuloy ko lang iniinom ang gatas ko. Umupo siya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
SF: Special Force
RomanceWhat are you waiting for? Log in na! Lets play SF! Marami ang pwede mangyari sa isang laro. Kahit gaano ka pa kagaling may pagkakataong matatalo ka rin.