Special Force- Farewell

13 0 0
                                    

[-Black Devil's POV-]

"Congratulations sa inyong dalawa. Ang galing ng tandem niyo. Kunti na lang masusugpo na rin natin ang malalaking transaksyun ng droga dito sa bansa. Bago ko ibigay ang next misyon niyo I want to celebrate. Mag order kayo ng kahit ano.. Sagot ko lahat."

Naghiyawan naman ang mga kasamahan ko sa sinabi ni tanda. Bongga talaga nito ni tanda. Kahit ganyan yan mabait din, matinik din yan kapag nagalit. Kaya wag mong subukang galitin yan. Baka maghalo ang pawis at sipon niyan. Try niyo lang.

Anyway, dahil magcecelebrate daw kami. May kailangan muna akong puntahan.

"Chief,aalis po muna ako. Saglit lang naman babalik din ako."

"Alam ko ng mga linya na yan Miss Black."

"Chief naman eh. Babalik po talaga ako. Honesto.. Pramis!" itinaas ko pa ang kanang kamay ko para pumayag si tanda.

"Pwede ipagpabukas mo na lang yan pupuntahan mo Miss Black. Its our celebration. Dapat nandito ka. Para sa inyo tong selebrasyon nato."

"Chief naman eh. Importante lang po talaga ang pupuntahan ko. Babalik po talaga ako."

"Ang kulit talaga. Sige na nga. Lumayas ka na."

"Promise po Chief saglit lang talaga ako."

"Sino ba kasi yang pupuntahan mo?" lumapit siya sa akin at ibinulong ang sumunod niyang sinabi. "Kapatid mo ba?"

Tumango ako bilang sagot.

Habang nagmamaneho ako may napansin akong kotse na sumusunod sa akin. Masyadong halata eh,noh?. Walang hiya talaga ang lalaki nato. Bakit niya kaya ako sinusundan.

Lumiko ako sa kabilang kalsada at binilisan ang pagpapatakbo. Ito talaga ang gusto ko sa pagmomotor Kasi kapag may habulan at yung humahabol sayo ay mga nakakotse hindi ka nila mahahabol lalo na kapag traffic. Pwede ka ring dumaan sa mga makikitid na daan na pantao lang na hindi makakapasok ang mga kotse.

Inayos ko ang side mirror ng motor ko at tiningnan ang pulang sports car na sumusunod sa akin kanina. Mukhang naligaw ko siya. Masyadong halata kasi na sinusundan niya ako. Masyado din halata ang kotse na yun. Siya lang naman ang may kotse na ganun sa HQ namin.

Huminto ako sa may puno ng acacia. Sa madilim na bahagi ng kalsada na malapit sa bahay niya. Kinuha ko ang cellphone ko.

As usual yun pa rin ang pambungad niya sa akin kapag tumatawag ako."Wala man lang bang hello,gud evening diyan?."

{"Asus! Parang hindi ka sanay sa akin. Oh bakit ka napatawag?"}

"Labas ka muna. Nandito ako sa labas malapit sa bahay."

{"Okay sige. Saglit lang."}

Pinutol ko ang tawag. Naghintay lang ako sa labas. Mga ilang minuto ang lumipas nakita ko na siyang lumabas.

"Sorry,sinama ko na siya. Hindi kasi ako payagan ni kuya lumabas ng ganitong oras." bungad niya sa akin ng makalapit sila sa kinaroroonan ko. Kasama niya kasi ang boyfriend niya.

"Okay lang. Mas mabuti na yun may kasama ka."

"Bakit ka pala naparito.?"

"Gusto ko lang sanang sabihin sayo na mawawala ako ng mga ilang buwan. Ipapadala kasi kami sa Switzerland."

"Para saan?"

"Para sa bagong misyon. Kailangan namin magsanay dun. Dont worry communicate pa rin tayu through social media. Basta mag iingat ka lagi. Iupdate mo ako sa mga nangyayari sa pamilya natin. Mamimiss kita." niyakap ko siya ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap sa akin. I will miss her so much. Lalong lalo na mapapalayo ako sa kanya. Hindi ko na siya mababantayan. Her life near in danger. Lalo na't mainit na ang pangalan ko sa mga nakabangga kong malalaking tao. Dapat ko silang protektahan. Magagawa ko lang yun kapag pupunta ako sa ibang bansa.

"Mag iingat ka dun Excel ha." sabi niya habang umiiyak. Kumalas ako sa yakapan namin at hinawakan siya sa balikat.

"Huwag ka ngang umiyak." naiiyak na rin ako. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa pisngi niya. Parang kailan lang. Ganito din ang ginagawa ko sa kanya kapag nasusugatan siya.

"Shafer,pinagkakatiwala ko sayo ang kapatid ko ha. Ingatan mo siya kung ayaw mong gilitan kita ng leeg."

"Wag ka ngang ganyan. Napakabrutal mo talaga." sabay hampas ni Xiara sa braso ko.

Ngumiti sa akin si Shafer at hinawakan ang kamay ni Xiara.

"Makakaasa ka sa akin. Simula pa lang naman lage na akong nasa tabi ni Xiara."

"Gusto ko sana makita si kuya."

"Magpapakita ka sa kanya.?" kunot noong tanong sa akin ni Xiara.

"Sana. Pero hindi pa ngayon ang pananahon para magpakita sa kanila."

" Titingnan ko muna kung tulog na siya."

Una munang pumasok sila Xiara. Naghintay lang ako sa labas habang palinga linga sa paligid. May nagmamasid sa amin kanina pa.

"Everything's clear. Pwede ka na pumasok."

"Baliw ka talaga." napangiti ako. May maibabaliw pa ang kapatid ko. Kapag magkakasama kami ibang iba siya kaysa sa mga ikinukwento sa akin ni Rickz.

Sinenyasan niya ako na pumasok sa kwarto ni kuya. Binuksan muna niya ang pinto at sumilip bago niya ako pinapasok. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang natutulog sa kama niya. Bakas sa mukha niya ang pagod. Naka-on pa ang laptop niya at nakakalat ang mga papel sa office table. Kahit nahahalata kay kuya na napepressure siya sa mga pinapagawa sa kanya ni dad ay sinusunod niya parin ng walang reklamo. Ganyan kabait ang kuya ko. Kahit sarili niyang kaligayahan ay itataya niya para lang hindi niya mabigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang namin.

Niligpit ko ang mga nakakalat sa table niya at in-off ang laptop niya. Tiningnan ko siya habang natutulog. Gustong gusto ko siyang yakapin. Kaso baka magising siya. Inayos ko ang pagkumot sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"I miss you kuya." at hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko.

Nabigla ako ng gumalaw siya. Kaya dali dali akong lumabas ng kwarto niya. Yumakap muna ako kay Xiara at tinapik sa braso si Shafer bago tuluyang umalis.

Lalabas na sana ako sa pintuan ng may marinig akong nagsalita.

"Sino ka?" tanong niya sa akin. Namiss ko rin siya. Siya na halos naging magulang namin.

"Nanay Emma." hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tumakbo ako at niyakap siya.

"E-excel? Diyos ko bata ka. Saan ka ba galing?"

"Kailangan ko na pong umalis nay."

"Mag-iingat ka lageh anak. Pagpalain ka ng Diyos."

"Salamat po nay." humalik ako sa pisngi niya.

Bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Lumingon muna ako sa may hagdan. Ngumiti sa akin si Xiara habang nakaakbay sa kanya si Shafer. Paglabas ko ng bahay na yun ay bagong yugto nanaman ng buhay ko.

--------------

Comment

Vote

Be a fan

SF: Special ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon