Special Force- Race

47 0 0
                                    

[-Sean POV-]

Tinitingnan ko ngayon ang mga pictures na nakadisplay dito sa sala nila.Sabi kasi nung katulong nila naliligo pa daw si Xiara.Nagtataka kayo kung bakit ko nalaman bahay niya.Sabihin na natin na nag stalk ako sa kanya nung gabi na nagkita kami sa mall.Nung pauwi na sila.Lihim naming sinundan si Xiara.Todo kantyaw pa nga mga katropa ko sa mga pinanggagawa ko.Iba talaga ang dating sa akin nung babaeng yun.Astig! Akala ko nga nung una lalaki ang nag mamay ari ng username na AC- reign sa SF.Yun pala isa pala magandang dilag,pero mukhang lalaki kung umasta.Nachachallenge kasi ako sa kanya bukod na sa suplada na, hindi pa tinablan sa charm ko.Sa gwapong kong ito maraming ngang babae naglalaway mahawakan lang ako.

Naagaw ang atensyon ko sa family picture nila.Kasama niya ang mom at dad niya at siguro kuya niya itong isang lalaki.Ang ganda pala niya kapag nakangiti.Parang isang anghel.Napakainosente ng mukha niya.

" ehem! excuse me!." nagulat ako ng may tumikhim sa likod ko.Kaya napalingon ako bigla.Shiit!.Bakit ganyan ang suot niya.Nakashort at tshirt lang siya pero grabe ang lakas ng sex appeal.Dagdagan pa ang mahaba niyang buhok na basa pa.Ang bango niyang tingnan.Napalunok ako ng dalawang beses.

" hai.." ngiti kong sabi sa kanya.Bakit kinabahan ako bigla.

" bakit ka nandito?!" ayan nanaman ang kilay niya na nakataas.

" remember,natalo ka sa laro natin kagabi."

" upo ka nga muna!" sabay turo sa sofa at umupo naman siya sa couch na malapit sa kinauupuan ko.Napalunok nanaman ako.Kitang kita ang makinis at mahahaba niyang legs. " nagblack out kasi kagabi dito. Kaya nawala ang kuryente!" hindi ko napansin ang mga pinagsasabi niya.Nastuck ang mata ko sa legs niya.

" oh! anong tinitingin tingin mo diyan?!"

" ah.. wala..." nag iwas ako ng tingin baka sabihin pa nito na minanyak ko siya.

" pagkatapos nandito kana? Anu gagawin mo?!" hindi pa rin niya ibinababa ang isa niyang kilay.Grabe talaga tong babae to.Ang hirap palambutin.

" hindi mo man lang ba ako aalukin ng maiinom diyan.Ang init init sa labas kanina."

" sino ba naman kasi nagsabi sayo na pumunta ka dito?! Wala kaming inumin.Kung gusto mo uminom ka ng tubig diyan sa aquarium."

sabay turo sa aquarium na di kalayuan sa kinauupuan namin.

Agad naman dumating ang katulong nila na may dalang juice at cookies.

" oh.. pakainin mo muna yang bisita mo iha." sabi naman nung katulong na nasa mga mid 40's ata.

" nay.. hindi ko naman po yan bisita.Bwisiiita ko yan siya.!" sabay irap sa akin.

" nako iho,wag mong pansinin mga pinagsasabi ni Xiara.Talagang ganyan lang talaga yan siya.Ngayon lang kasi yan siya nakatanggap ng bisita na lalaki."

" nako po! Okay lang po yun.Masasanay din naman po ako diyan kay Xiara." sabay kindat sa kanya.Inaasar ko lang.

" Ano ba pangalan mo iho?"

" Sean po.Sean Reaver."

" ah.Ganun ba? Bagay sayo ang pangalan mo.Tunog pogi eh.!"

" hehehe!. Hindi naman po.Pero salamat na din po."

" sige punta muna ako sa kusina ha.Xiara ayusin mo ang pag entertain sa manliligaw mo."

" anong manliligaw.?! Hindi ko nga kilala yang hinayupak na yan eh!"

" oh sya!. sige na.Ikaw na lang mag pasensya diyan sa alaga ko iho ha."

umalis na siya at bumalik sa kusina.

SF: Special ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon