1 Min, 1 Sec
"Never ever, I can't give up on you
Never ever, I'm writing down each letter of your name
Never ever, don't hide from me, never ever, don't leave me
I can't breath without you, not 1 minute 1 second."
-Jiyeon(TARA), 1 Min, 1Sec_________________________________________________________
Miracle's POV
Nakatingin ako sa kawalan. Nagmumukmok for short. Medyo bored. Di kasi gaya ng mga kaibigan ko na may lovelife at wala dito sa bahay kasi lumalandi, andito ako magisa at naglalaba.
Oo dakilang labandera for the day ako. Wala kasi akong lakad tulad ng iba kaya ako na lang ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Sad life? Opo, wag niyo na ipaalala.
Ang masaklap pa tambak na tambak ang labada. Ulan kasi ng ulan kaya di kami makapaglaba. Sinuwerte naman yun mga dapat na maglalaba sa mga araw na yun kasi nakatakas sila sa kanilang tungkulin at eto ako ngayon, sumasalo sa lahat. Kaawa-awang nilalalang magisa habang nagpapakalipin.
=========
Inabot din ako ng apat na oras bago natapos sa paglalaba. Oo apat as in four! Napakadami kasi talaga ng mga labada. Kasali pa ang mga bedsheets, blankets, towels at curtains. Akala ko nga matatanggal na ang braso ko! Buti na lang naimbento ng mga ninuno natin ang washing machine.
So maiba na tayo, nagsasawa na ako sa labada na topic e. Ngayon pamamaleke na naman. Wag na kayo magreklamo, nakaksawa na din yung kalandian lang at kaemohan ang nangyayari, let's get realistic na naman.
Bitter na kung bitter pero ganyan talaga ang lasa ng ampalaya!
Alam kong madaldal ang inner thoughts ganyan talaga pag tahimik ka lala pa't wala ka din makausap.
So naglakad akong sa mini mart malapit sa amin at agad na pinamili ang lahat ng mga dapat kong bilhin. Syempre prioritize ang mga pagkain tulad ng mga gulay at prutas syempre di din mawawala ang pinakamahal namin, meat!
Habang naglalakad ako, biglang naagaw ang pansin ko ng may makita akong pamilyar na anyo. Medyo kinabahan ako pero mas nangibabaw ang aking pagkaintriga kaya di ko napigilang lumapit. Naglakad ako papalapit sa pwesto kung saan nakatayo ang pamilyar na anyo at laking gulat ko na lang malamang si Adrian pala yun.
Agad nanlambot ang tuhod ko. Kung di siguro makapit ang hawak ko sa mga dala ko, pakiramdam ko mabibitawan ko ang mga ito. Gusto kong umalis bago niya mapansin na nandito ako. Hindi ko alam pero kahit parati ko siyang nakikita sa school natatakot parin akong harapin siya.
Pero tila di sangayon ang pagkakataon sa akin, kasi napansin ako ni Adrian at sa di ko inaasahan ,ay nagsimula siyang maglakad patungo sa lugar na kinatatayuan ko.
Mas nanlambot ang mga tuhod ko. Nais kong tumalikod at maglakad palayo pero tila ba'y nakasemento ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
Bago ko pa makumbinsi ang sarili na makalayo ay nasa harap ko na si Adrian.
Walang expression ang mukha niya at di siya nagsalita. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng takot sa di malamanlaman na dahilan.
"Miracle"
Isang salita ang kanyang ibinigkas ngunit agad akong natigil. Pangalan ko lang ang binigkas niya pero para bang ang bigat bigat ng binitawan niyang salita.
Naramdaman ko na ang tila paglabo ng aking paningin mulat ng mga namumuong luha. Ang dala kong supot ay nabagsak na sa lupa at napagulong na ang mga mansanas na pinamili ko.
BINABASA MO ANG
We Got A Boy★
RomanceISANG KWENTO NG KASHUNGAAN. WARNING: MAGIGING SHUNGA DIN KAYO PAGBINASA NIYO TOH XD KIKILIGIN AT TATAWA KAYO NG WALA SA ORAS. Language:Taglish Genre: Romance,Humor,Action,Adventure,School Life,Teen-Fiction Short Summary: Kwento tungkol sa 9 na magka...