45★ You-aholic

174 9 8
                                    

Year 2019, ipupublish ko kasi biglang naging draft. Ngayon ko lang napansin ang new terms and agreement ni Watty. Sorry dear readers huhu

45★ You-aholic




 Jois's POV

Napatingin ako sa mga mata ni Nikko habang kinakanta niya ang linya niya. Naramdaman ko lumapit siya sa akin.

Ngumiti siya at inalay ang kanang kamay sa akin.

Ngumiti ako at sinubukang iabot ang kamay ko sa kamay pero bago ko pa man magawa yun ay nagulat ako ng biglang may ibang kamay na humablot sa akin.

"Bawal! To much skinship!! Akin lang si babe ko."

=____=

"CUT!!! Ano ba yan fafa Jason. Kung epal ka nang epal sa scene na ito di tayo matatapos nito." Sigaw ni Danica na nakamegaphone.

Naku inaagawan ako ng role ng gaga. Tsk tsk. 

Pero maiba tayo. Kanina pa talaga tong si Std. Di namin matapos tapos ni Nikko ang scene namin dahil epal siya ng epal.

May scene kasi kaming mga animals na makikikanta kasama ni Snow White. At since love birds kami ni Nikko may part na magduduet kami. At yan yung finifilm namin na scene ngayon kaso, may epal nang epal.

"Alam mo di matatapos tong scene na ito kung eepal ka nang eepal." Sabi ko sa kanya.

"Pero ang daya! Ba't kailangan may skinship din kayo ni Nikko? Di naman kayo si Snow White at Prince Charming ah." Sabi ni Jason.

"Hanga ako sa possessiveness mo kay Jois pero kung di ka pa titigil dyan mapipilitan kaming kaladkarin ka paalis." Pagwawarning ni Mariella.

"Yah! Pakibilisan pag may time kakapagod kaya ang role namin." Reklamo ni Mary.

Makikita mo rin sa tabi niya na halatang iritado na rin si Light.

Yung ibang kaklase namin na animals din ang role ay nakapoker face na.

"Bumalik ka na nga dun. Nakakaasar na." Mataray kong sabi.

Napapout ang gago at matamlay na bumalik sa pwesto niya.

I feel bad. Pero annoying na kasi. At isa pa gusto ko nang matapos na ito kanina pa kasi yang death glare ni Sharisse sa akin. Creepy na masyado >___<

"Ok. Stand by!" Sigaw ni Danica.

And back to taping na kami.

At kung nagtataka kayo kung bakit nagtetaping kami kahit live performance dapat eh kasi trip nang klase namin na gumawa din film version. Para may remembrance daw at baka sakaling tamarin kami magroleplay edi yung movie na alng daw ang ipapakita namin XD

Mahiya kayo sa united spirit ng katamaran ng klase namin XD

At yun itinuloy namin ang shooting. Medyo going smooth na ang lahat medyo may ilang takes din sa ibang scene pero compare sa first day ay mas nagimprove na ang performance ng iba.

"Mi, ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Miracle nung resting time na.

"Medyo." Sagot niya.

"Psh. Wag ka nang magaalala Mimi, matatapos din ito." Pagchicheer up ni Mary sa tabi.

"Tama and di naman bad yung performance mo." Sang-ayon ni Micah.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon