"The truth is hiding in your eyes
And it's hanging on your tongue
Just boiling in my blood
But you think that I can't see
What kind of man that you are
If you're a man at all
Well, I will figure this one out
On my own..." -Decode, Paramore
_______________________________
Marielle's POV
Ewan ko ba kung nakaaalarma sitwasyon o hindi, pero this past two days ang parati ko lang naririnig ay nagaaway ang mga kaibigan ko at ang mga Exoduz. Sanay naman ako sa asaran at kulitan nila lalo na't away bati lang naman sila lagi. One minute they're strangling each others throat, the next moment they're cuddling each other.
"Hay nabibingi na ako sa kanila." Rinig kong sabi ni Pan-pan sabay napaupo sa tabi ko at himigop sa kanyang pineapple juice.
"Ano na naman ba kasi ang problema?" Tanong ko.
"Balita ko nagaway daw si fafa Jayson at Jois, nahuli kasi raw ni Jois na nakikipaglandian si fafa Jason sa ibang babae. Si Danica naman at Shea nagkaroon ng di pagkakaunawaan. Si Mariella at Colton, well alam naman natin na iniwan na ni fafa Colton si Mariella."
"Eh kayo ni Mark?" Tanong ko sa kanya sabay ayos ng bag ko. In the middle of foundation day kasi namin at as usual tambay lang kami sa tabi.
"Omg!! That's impossible kaya! Going strong kami ni Mark my loves kaya." Masayang sabi ni Pan-pan na para bang nagpipiyesta siya.
"Wow ibang reaction yan sa ineexpect ko. Balita ko kay Banshee, kakareject niya lang sayo."
"Walangyang Banshee! Chismosa much? Oh well, knowing me di ka talaga mageexpect na magmumukmok lang ako sa tabi kasi nareject ako. Tomorrow is another day kaya! It doesn't mean na nareject ako ngayon marereject din ako sa susunod."
Grabe, bilib ako sa fighting spirit niya. Siya na talaga! "Hay bilib na talaga ako sayo."
"Eh ikaw musta? Ang love life?" Tanong niya na may halong kakalokong ngiti.
"Love life? Ako? Please, nagpapatawa ka ba?" Seriously?
"Aysus. Ikaw talaga. Hindi sa nanghihimasok ako ah, pero gusto lang kita iremind na hindi forever na pwede kang magplay safe. Hindi ka pwedeng magkunwari na wala kang nararamdaman, kung magpapatuloy kang ganyan baka pagsisihan mo pagnawala na sayo ang lahat. " seryoso niyang sabi.
Napatingin lang ako sa kanya. "Believe me, mahirap kung ikaw na ang naghahabol at ayaw pa magpahabol ng hinahabol mo." Nakangiti niyang sabi.
Actually medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Nag mukhang tongue twister kasi siya sa aking tenga. "Is that based from someone's personal experience?" Tanong ko sa kanya habang tumatayo. "IpaMMK na natin yan." Biro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
We Got A Boy★
RomanceISANG KWENTO NG KASHUNGAAN. WARNING: MAGIGING SHUNGA DIN KAYO PAGBINASA NIYO TOH XD KIKILIGIN AT TATAWA KAYO NG WALA SA ORAS. Language:Taglish Genre: Romance,Humor,Action,Adventure,School Life,Teen-Fiction Short Summary: Kwento tungkol sa 9 na magka...
