51★ Stay the Night

141 6 3
                                    

51★ Stay the Night


"I know that we are upside down

So hold your tongue and hear me out

I know that we were made to break

So what? I don't mind


You kill the lights, I'll draw the blinds

Don't dull the sparkle in your eyes

I know that we were made to break

So what? I don't mind..." -Stay the Night, Zedd feat. Hayley Williams

_________________________


Mary's POV 




Inis, puot, galit, sakit at pagdudusa ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ngayon kinikilig at namamatay sa sobrang saya habang nanunuod magperform si Bamboo my loves sa opening ng Foundation day ng school namin. Pero sa halip, nandito ako at nagpapakaemoterang frog este dyosa sa isang milk tea shop habang humihigop sa aking passion fruit and lemon greentea with basil seeds and tea leaf with nata as sinkers.




Asar kasi school namin! Di pumayag sa pinakabonggang plan ng student council na magimbita ng artista para sa opening ng ika-100 years ng school. Rason pa nila masyadong mahal daw ang talant fee ng Bamboo. Aba, sinisi pa talaga si Bamboo! Ang tanong saan ba napunta ang tuition na binabayaran namin? Asan na ang hustisya? Aisht!




Dahil sa di ako pumasok ng school ngayon nagpagala-gala na lang ako sa mall hanggang sa nabored na ako ng sobra at napagdesisyunan ko na umuwi na.




Sakto naman pagdating ko sa may gate namin banda, nagulat ako ng madatnan ko ang isang kotseng sobrang pamilyar sa akin.




"Light?" Tanong ko ng mapansin kong binababa niya ang bintana ng sasakyan niya.




"Oh laway mo tumutulo." Leche! Nagmukhang tanga tuloy ako sa harap niya!




"Mukha mo Light! Asa ka diyan!" Tinarayan ko siya. "Layas nga dito. Nagdadala ka ng masamang hangin."




"Wag kang magaalala aalis agad ako pagkabalik ni Blue. Di ko matagalan ang nakakairita mong mukha." 




"The feeling is mutual! Psh." Sabay dumeretcho na ako agad papasok sa bahay namin.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon