47★ Last Romeo

175 9 4
                                    

Dedicated sa kanya kasi natouch ako sa kakulitan niya :) 

47★ Last Romeo

Micah's POV

Medyo gabi na at ang lakas pa talaga ng ulan.

It's been days na at patuloy parin ang tag-ulan. According kasi daw sa weather report may bagyo daw na parating.

Ang kakaiba lang e parang nakikisabay yung panahon sa pagsesenti ko.

Kahit masakit mang amin pero hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Patuloy akong nagkukunwari sa harap ng mga tao na ayos lang ako at unti-unti na akong nakakamove on, pero ang totoo ay hindi pa.

Di ko magawang makalimutan si Terrence.

Tanging pagbigkas ng pangalan niya ay naapektuhan na ako ng sobra.

Bawat araw nga sa klase ay tinitibayan ko ang aking loob lalo pa't nakikita ko siya lagi at bumabalik lang ang mga nararamdaman ko para sa kanya.

Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na dapat kalimutan ko na siya. Kasi sa huli ako lang rin ang masasaktan kung ipagpapatuloy ko ang nararandaman ko para sa kanya.

Pero sa kabilang dako. Dahil sa patuloy ko siyang iniiwasan ay lagi kong kasama si Rain.

Siya yung lagi nandito para sa akin. Yung panahon na pakiramdam ko ay gusto kong mamatay ay nandyan siya sa tabi ko para bigyan ako ng lakas ng loob.

Ayaw ko naman na umasa lang sa mga kaibigan ko pero ayaw ko din na isipin ni Rain na may pag-asa kaming dalawa. Kasi ang totoo ay kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya. At alam niya yun pero nanatili parin siya sa tabi ko at patuloy na inaalagaan at minamahal ako kaya mas lalo akong nakokonsensya.

"Yoohoo~ Micahching." Napatingin ako sa tumatawag sa akin.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon