48★ Good Bye Bye

139 6 1
                                    

48★ Good Bye Bye

"Good bye baby Good bye baby. Even if I close my eyes without you it's over now. Good bye baby Good bye baby. Even if I can't hold your hand again. Even if I have to walk through endless tunnel I can overcome it and let me say, Good bye baby Good bye.." -Good Bye Bye, Nu'Est
__________________________________

Mariella's POV

"I don't wanna get you fired. I'm so tired. Blah blah blah blah. Oh woo oh blah blah blah. I wanna say leave me forever~"

Napataas na lang ang kilay ko sa sobrang ingay nitong si Mary. Kanina pa kanta nang kanta ni wala na nga akong maintindihan sa mga kinakanta niya, sintunado pa talaga. Kakahiyang bata.

"Uyy kung wala kang ibang magawa pwedeng tumahimik?" Sabi nitong si Jois na kasalukuyang nagtetape sa mga karton.

Busy ang iilan sa amin ngayon upang paghandaan ang paglipat namin dun sa bagong bahay namin. Yung iba kasi may tinatrabaho sa school para sa upcoming na activities which is our foundation day kaya medyo busy.

Syempre yung mga passive sa school activities na tulad namin naiwan sa bahay para magayos. Ang lahat sa amin ay nasa school maliban sa aming apat.

"Marj ito na ba lahat?" Tanong ko kay Marj nang matapos kong matape ang huling box.

"Oo. Maliban dun sa mga suot natin ngayon ito na ata lahat." Sabi niya matapos matignan ang lahat ng box.

"Mga gaga, nacheck niyo na ba ang bags niyo?" Tanong ni Jois.

"Yeah. Check na ang lahat." I replied.

Mukhang looking good na ang lahat. Nasabi na rin namin kay Shin ang plano namin sa paglipat ngayong araw. Agad naman siyang nagoffer na ihatid kami kaya di na kami agad tumanggi. Syempre ang dami kaya naming dala, pakapalan na lang ng mukha pero sila naman din ang nagoffer.

"Kain na tayo. Nagugutom na ako e." Sabi ni Jois na agad tumayo.

"Agree. Gutom na aketch." Sabi naman ni Mary.

At tayming namang biglang sumulpot si Shin at nagsabing, " Lunch is ready." Kaya laking tuwa ng mga kasama ko.

Syempre kanina pa kaya kami nagimpake kaya drained talaga kami. Gutom na gutom na nga ako. Pakiramdam ko makakakain na ako ng tao sa sobrang gutom ko.

Agad kaming bumaba sa may hapagkainan at sinalubong kami ng samu't saring mga potajeng ipinahanda ni Shin kay manang Vicky.

Agad namang nagsilakihan ang aming mga mata. Halatang naglalaway ang lahat at di na kami nag aksayang ng oras at agad nagsimulang kumain.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon