Kahit medyo haggard ang Author's ngayon sinubukan niya paring mag-Ud. aigoo! isipin ko na lang para sa mga one day babies ko tong Chapter na toh~ OMG! Emotionally Attached na ata ako sa mga bubwit na yun >< lols XD sensya wag pansinin ang kadramahan ng shu-shungang author XD
26★ Sub-Units
Miracle's POV
"Matagal pa ba kayo?" Tanong ko kanila Mary at Jois.
Pang ilang beses ko na yan natanong sa kanila pero paulit-ulit lang ang sagot nila.
" Wait lang. Sayang yung last stick ko."
Wow. Kanina ko pa naririnig yang 'last stick' na yan.
"Sandali lang naman oh. Sayang ang refill. "
=.=
Hay naku!
Paniguradong aabutan kami ng gabi nito ng pamimili ng gamit para sa outbound.
Napatingin na lang ako kanila Mary at Jois. Ayon sarap na sarap sila sa kinakain at iniinom nila.
Si Jois, halos maubos niya na ang lahat ng fried isaw. Eh kulang na nga pati stick kainin niya. Pati ang whole kariton ni mamang isaw ay bilhin niya XD
Si Mary naman gulo nang gulo dun sa tindero ng buko juice. Nilalasap ang bawat refill niya. Palibhasa kasi libre refill, kaya ayun. Naawa na nga ako kay manong buko juice.
Well magkasama kasi kaming Night Ladies kase kami ang naatasan sa barkada namin na bumili ng gamit na kakailangan para sa outbound. Tulad ng mga snacks at survival stuff. Well pwede na isali dyan ang off lotion ni Micah at Sunscreen ko XD
And kung nagtatanong kayo kung bakit Night Ladies ang tawag sa amin nila Mary at Jois kase kami ang sub unit ng B.I.T.C.H.
Member ako kase I represent the Night Sky. Wag niyo na tanungin ang obvious kung bakit Night Sky ako kase mahuhurt lang ako. =__=
Si Jois naman, dahil sa siya ang pinakamaputi sa amin kaya siya ang nagrerepresent ng Moon. Alam kong siya ang opposite ko =__=
Si Mary naman kase yellow daw konti ang skin niya (according kay Razstin at Aprille) kaya siya raw ang nagrerepresent sa Stars. Well according to her ang real reason daw kase isa daw talaga siyang Star, as in Superstar. Hiya tayo noh? =__=
"Hoy Mary, pahingi nga ng Buko Juice. " sabi ni Jois kay Mary.
" Lapit ka dito. Di maglalakad ang buko juice para sayo." Sagot naman ni Mary.
" Libre mo ako please. " sabi naman ni Jois.
" Mukha mo! Namumulubi na nga ako ee. Dapat ikaw ang manlibre sa akin." Sagot ni Mary.
" Oh ito isaw oh." Sabay abot ni Jois kay Mary.
" Eww!! Ayaw ko niyan no." Sabi ni Mary na todo iwas kay Jois.
" Psh. Ang arte!" Sabi naman ni Jois. Agad naman napairap si Mary at nag continue na silang dalawa sa kanila sari-sariling business.
Ayun nakatulala lang ako sa kakahintay sa kanila. Hay naku! Feel ko wala na tong pag-asa.
Napatingin ako kanila Manong Isaw at Manong Buko Juice. Mukhang binigyan nila ako ng kawawa-naman-tayo-look.
=========
BINABASA MO ANG
We Got A Boy★
RomanceISANG KWENTO NG KASHUNGAAN. WARNING: MAGIGING SHUNGA DIN KAYO PAGBINASA NIYO TOH XD KIKILIGIN AT TATAWA KAYO NG WALA SA ORAS. Language:Taglish Genre: Romance,Humor,Action,Adventure,School Life,Teen-Fiction Short Summary: Kwento tungkol sa 9 na magka...
