36★ Better Man

428 9 0
                                    

HAPPY BIRTHDAY SA PINAKASHUNGANG BIDA CHARACTER SA STORYANG ITO!!! HAPPY BDAY MIRACLE!!!! \(^O^)/

Ang pinaka-inosenteng couple sa balat ng WGB. Kakayanin kaya nila ang upcoming na challenge sa relationship nila? lalo na't maapektohan ang kanila mga kaibigan't pamilya?

#InnocentCouple

#Mirrence

PS: Wag pansinin nag mga typo. #AlamNa kasi yan XD

36★ Better Man

Jois's POV

Ewan ko lang ba kung imagination ko lang ba ito pero feel ko talaga may tinatago yang mga kaibigan ko.

At grabe ang urge kong malaman kung ano ba yang katago-tagong lihim nila. Ang problem lang natatakot ako na baka maling hinala ko lang ito at baka mapahiya ko pa ang sarili ko.

*sighs*

"Mukhang problemado ka ah?" Biglang tumabi si Miracle sa akin.

Nakaupo kasi ako sa may sofa ee. Ako kasi yung pinaka-unang natapos kaya hinihintay ko na lang yung mga kaibigan ko para sabay sabay na kaming pumasok sa ekswelahan.

"Medyo." Sagot ko.

"Mukhang di yan medyo ah. Eh naninibago kami sa madalas mong katahimikan at pagmumukmok ee." Sabi ni Micah na tumabi rin sa akin.

"Wala. Wala lang ako sa mood lately." Sagot ko.

"Eh ano ba ang dahilan nyan?" Tanong ni Pan2x sabay umupo sa armrest ng sofa.

"Wala. Okay lang ako baka nagoover react lang kayo." Sabi ko para di na mag-alala tong mga gagang toh.

"Okay sabi mo." In chorus na sabi nila.

Wow ah. Mga kaibigan ko talaga sila =__=

"Free ba kayo mamaya? Gusto kong gumala ee." Pang-aanyaya ko sa kanila.

Agad naman silang nagkatinginan at sabay sabay na umiling.

"Di pwede may date kami ni Colton." Sabi ni Mariella.

"Di din ako pwede. Sasamahan ko si Baklang Shea na magpaSpa." Sagot ni Danica na nanglalaki ang mata.

"Ano.. kasi.. ako din ee.. s-si Terrence ano kasi.. ano.. basta di rin ako free." Namumulang sabi ni Micah.

"Ako naman magstastalk kami ni Sharisse kanila Nikko at Mark." Sabi ni Pan2x na nakatingin kay Sharisse.

Agad namang tumango si Sharisse. "Oo. Tama." Sang-ayon niya kay Pan2x.

"Sorry di rin ako free. May ano.. tama! Maglilinis ako ng kwarto natin." Sabi ni Miracle na di makatingin sa akin ng deretcho.

"Ako kasi ano.. tama! Makikiparty ako kanila Kenji at Namu." Sabi ni Mary mukhang kinakabahan.

"Ako ewan. Basta di din ako free." Poker face na sabi ni Marj.

"May date sila ni Shin"/ "May date sila ni Blue." Sabay na sabi ni Mariella at Danica.

Agad silang nakatitigan ng masama sabay napabuntong hininga yung iba.

Rinig kong pabulong na nangbara si Miracle. "Hala edi sila na lang ang magMarj" sabay tumawa siya na parang baliw.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon