Dedicated sa aking painakamamahal na anak-anakan ^_^ Alles Gute zum Geburtstag!!!
Ang pinak-asensadong couple sa balat ng WGB story. Ano kaya ang mangyayari sa couple na ito?
#AsoCouple
#Cola
37★Love Is Move
Author's POV
Dahil sa biglang pagsulpot ng Prefect of Student Discipline, nagulat ang lahat ng estudyante at nagsipanic. May iba naghiyawan, yung iba nahimatay at yung iba nakatakas. Pero may ibang sadyang di siniswerte at nahuli ng Prefect kaya ang kinahantungan nila ay sa detention.
Detention Room
"Ok. First of all let me explain, I was just like passing by, and wala akong connection with those PDA people kaya dapat wala ako dito." Maarteng reklamo ni Diane na agad binigyan ng masamang tingin ng mga estudyanteng kasama niya sa detention.
"Be quite ms.Hale! You have the right to remain silent." Agad namang nasita ng Prefect si Diane. "But I--" Di natapos ni Diane ang dapat sabihin sapagkat agad namang nagsalita ang Prefect, "No buts Ms. Hale or else I'm going to give you a greater punishment." Agad natahimik si Diane dahil sa mga binitawang salita ng Prefect. Natakot ang dalaga kahit ayaw niyang aminin sa sarili. Pero di nakalusot sa mga mata nila Kenji, Nelson at Sabrina ang pagkukunwari ni Diane.
"Naku umaarte pang di naintimidate tong si Diane, eh halata naman sa mga galaw na natatakot siya kay Prefect." Bulong ni Nelson sa mga katabing sina Sabrina at Kenji.
"Kaya nga. Bagay lang yan sa kanya, ang arte-arte kasi eh." Sang-ayon ni Kenji sa kaibigan at napa-apear ang dalawang lalake sa isa't isa.
"Tumahik nga kayo, baka mahuli kayo ng Prefect at idouble pa ang punishment natin." Pagbabanta ni Sabrina sa dalawang kaibigan.
Kung mamalasin nga naman, di agad nakatakbo ang mga taong toh kahit gustuhin nila. Agad na kasi silang nahuli ng Prefect at ayun dinala sa detention room.
Puno naman ng pangamba itong si Sabrina sapagkat di maganda sa mga honor students na gaya nila ang magkaroon ng masamang conduct grade. Paniguradong maapektuhan ang kanila mga grado dahil sa nasangkot sila sa detention.
"Naku sabs okay lang yan. Worth it naman ee." Pagcocomfort nitong si Nelson sa kaibigan.
"Tama! Isipin mo na lang, tomorrow is another day." Masayang sabi ni Kenji.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ng tatlong magkakaibigang ito. Kasi kahit papaano may nakita silang good side sa pagkakadetention nila. At isa pa, unang pagkakataon pa nila toh kaya paniguradong pagbibigyan sila ng Prefect.
Pero di tulad ng tatlo na may nakikitang good side sa sitwasyon nila ngayon, may ibang halatang puros bad side lang ang nakikita.
"Marj~!!!" Naiiyak na parang bata na sabi ni Blue habang itong katabi niyang si Aprille ay nakakapit sa mga braso niya.
" Tumahimik ka nga, baka mapagalitan pa tayo ni Prefect." Nakangiting sabi nitong si Aprille na halatang masaya dahil sa wakas ay nasolo niya na talaga si Blue.
Tama nga kayo ng iniisip, nahuli din ng prefect itong si Blue. At currently nagluluksa ang lalakeng toh sapagkat nahiwalay siya sa pinkamamahal niyang si Marj. Unlike sa katabi niyang si Aprille na halatang abot langit ang saya dahil kasama niya ang lalakeng matagal na niyang lihim na iniibig.
BINABASA MO ANG
We Got A Boy★
RomanceISANG KWENTO NG KASHUNGAAN. WARNING: MAGIGING SHUNGA DIN KAYO PAGBINASA NIYO TOH XD KIKILIGIN AT TATAWA KAYO NG WALA SA ORAS. Language:Taglish Genre: Romance,Humor,Action,Adventure,School Life,Teen-Fiction Short Summary: Kwento tungkol sa 9 na magka...
