46★ Love Rain

204 9 4
                                    

46★ Love Rain

Author's POV

Malakas ang ulan at kasalukuyang naglalakad ang dalawang binata papunta sa isang maliit na burol kung saan may makikita kang isang lapida sa may tuktok.

Napatingin ang naunang binata at agad na natigil sa paglalakad ng may mapansin siyang bouquet ng Carnations na nakalagay sa may lapida.

Yung isang binatang nakasunod sa kanya ay nagulat dahil sa biglang pagtigil ng kasama at napatingin naman sa direksyong tinitignan ng kaibigan.

"Mukhang nagbalik na rin sila." Bulong ni Light.

Nanatiling tahimik lang si Shin at iniwan niya sa tabi ng bouquet ng Carnations ang dala niyang bouquet ng Carnations.

Natalie Miyano

Napatingin lang ang dalawa sa pangalan na nakalagay sa lapida.

Magtatatlong taon na rin simula nang mamatay si Natalie. Tulad ng mga nakaraang taon ay dumadalaw ang dalawa sa puntod ng dalaga. Pero ngayon lang nangyari na may ibang tao ang dumalaw sa puntod ng dalaga at alam ng dalawa kung sino nag maaring dumalawa sa puntod ni Natalie maliban sa kanilang dalawa.

"I know they still haven't forgiven me." Sagot ni Shin sa kasama.

"Siguro nga pero di lang ikaw ang sinisisi nila." Sabi namn ni Light.

Pinili na lang ni Shin na tumahik at ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na siyang maglakad paalis. Agad namang sumunod si Light hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.

■=□=■=□

Danica's POV

Napatingin ako sa final and edited versoion ng film namin.

All I can say is success siya. And all thanks sa participation ng lahat. Though di ko rin ipagkakkaila na medyo nerve wrecking and stressful siya sa bangs but it was worth it.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon