Di rin magpapahuli ang pinakamingay ng couple sa balat ng WGB world XD
#Sheanica #Dashea
------------->
35★ Swans
Miracle's POV
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" Napatangin lang kami nila Marj at Mary habang kinakaladkad ni Mariella si Banshee papuntang kwarto. Agad namang sumunod sina Micah at Danica.
Naiwan tuloy kaming tatlo na nakatunganga.
Kanina kasi nung kakadating namin galing Madhatter Cafe, laking gulat na lang namin nang madatnan naming nagmomoment si Shin at Banshee.
Syempre laglag panga kami.
At itong ai Mariella agad na hinila si Banshee na agad napagpaalis kay Shin sa eksena. Kaya ayun paniguradong wala tulugan ang drama nila.
Di naman sa wala kaming care, labas na kasi kami masyado dyan sa eksenang Marble vs Mashin kaya exempted kami dyan.
Pwera na lang kay Marj. Ewan ko kung bakit wala siyang care. Tsk tsk.
" Grabe! Di ako makaget over nun! Like super!" Agad na dumaldal si Mary.
" Ako rin. Super Shocking! " Sang-ayon ko.
Napatingin kaming dalawa kay Marj.
No reaction.
" Yah! Ba't no care ka lang dyan?" Tanong ni Mary.
" Oo nga. Wala ka bang reaction? " tanong ko rin.
Ayun no comment lang siya.
Wow ha! Napoles lang Marj? 'I Invoke my right?'
"Psh! Nandyan na naman yang kamanhidan ng babaeng toh. Tsk tsk. " sabi ni Mary.
Magsasalita sana ako kaso may boses na biglang sumingit.
" Sinong Manhid?"
Ihhh!
Aatakihin ata ako nito. Ano ba tong si Jois pagsulpot-sulpot bigla! >___<
"Gaga! Mushroom lang ang peg?" Sabi ni Mary kay Jois.
" Mushroom agad? Di pwedeng napadaan lang?" Pambabara ni Jois.
" Halaka! Medyo bv lang Jois? " Pambabara ni Marj.
Lagot. Baka magbara contest toh sila >___<
"Hep hep! Bawal!" Pagpapatigil ko sa nabubuong away.
"Aysus OA tong si Milagro. " sabi ni Jois.
" Tama! Di pa nga nagsisimula ee." Sang-ayon ni Marj.
" KJ!" Dagdag pa ni Mary.
Hala! Ako na tuloy ang pinagdidiskitahan nila =(
" Saan pala kayo nanggaling? Iniwan niyo akong mag-isa dito." Pang-iiba ng usapan ni Jois.
"Wala sa Madhatter Ca--- este gumala lang sa mall. Hahaha" sabi ni Mary na medyo kamuntikang madulas sa sinasabi.
" Ah ganun ba." Hay salamat mukhang di naman nagsuspetya si Jois.
" So ano akyat na tayo para makapagbihis na tayo." Sabi ko.
" Geh. Una na ako." Ayun si Marj at nauna nang umakyat sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
We Got A Boy★
RomanceISANG KWENTO NG KASHUNGAAN. WARNING: MAGIGING SHUNGA DIN KAYO PAGBINASA NIYO TOH XD KIKILIGIN AT TATAWA KAYO NG WALA SA ORAS. Language:Taglish Genre: Romance,Humor,Action,Adventure,School Life,Teen-Fiction Short Summary: Kwento tungkol sa 9 na magka...