52★ Déjà vu

97 7 7
                                    

51★ Déjà vu

"This attraction is like a lie, I think it's the first time

Feels like everything has stopped, You look familiar

Feels like I've fallen under a spell

Lose control, I can't control it

I'm still a little inexperienced
So I'm gonna go to you carefully... 

It's like deja vu
Falling into this mysterious feeling
Come to me, come to me
Hurry and come to me
It's like deja vu
Can't ever escape
Danger, Danger
I keep getting pulled to you." 
-Déjà vu, Sonamoo



Sharisse POV


"Do you want some snacks ma'am?" Magalang na tanong ng stewardess sa akin.

Kung normal pa ako ngayon di ko siya tatanggihan. Syempre pagkain na ang pinguusapan. Food is equal to Sharisse! Pero dahil sa sobrang kaba at takot ay tinanggihan ko ang pagkain.

Shock kayo no? Wag kayong magaalala, ako din nagulat sa sarili ko.

Kinakaban na talaga ako. Takot ako sa mommy ko and alam kong pinatawag niya ako kasi may importante bagay siyang sasabihin. Ang kinakatakot ko lang ay sana walang kinalaman sa pagpapasalvage sa akin o di naman kaya'y ipatapon ako sa isang liblib na lugar malayo sa sibilisasyon kung saan walang processed food at internet. Yung tipong George of the Jungle ang drama!

Ewan ko ba kung paranoid na talaga ako pero kilala ko ang mommy ko. And the mere fact na pinapapunta niya ako sa Hong Kong, sigurado akong may binabalak siya.

Napahinga ako ng malalim sabay napainhale-exhale ako na para bang ginagaya ko yung advertisement ng brand ng pintura kung saan may nagYoyoga.

Sa sobra ko atang pagkaechoserang magyoga to the point na nanggagaya na ako ng commercial sa tv ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pero bago ko maipikit ang mata ko ay para bang may napansin akong taong dumaan na sobrang pamilyar sa akin.



=========



"Ma'am the plane has already landed a while ago, you need to get off the aircraft."

"5 minutes na lang please. Matatapos ko tong Tendorloin ko." Pagmamakaawa ko.

"But ma'am we have schedule flight after this."

"Wait lang talaga promise!!!" This time nagmakaawa na ako ng bongga.

Teka ba't feeling ko may mali dito.

Marahan kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko ng mapansin ko na pinapalibutan pala ako ng mga stewardess.

"WAAAAAH!" Sigaw ko.

"WAAAAAH!" Sigaw din nila.

Kaya ang labas sigawan contest.

Sa sobrang panic ko agad akong tumayo pero agad namang napaupo dahil sa seatbelt na di ko pa pala natatanggal.

"WAAAH!" Napasigaw ulit ako sa gulat.

"Are you alright?" Tanong nung isa sa mga stewardess habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.

"Eh...um...ano este I'm sorry." Yung lang ang sinabi ko at agad na akong humarurot paalis.

We Got A Boy★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon