Basta Connected Lang
I was just reading a story on Wattpad when something caught my attention. A guy sitting on the bench in front of me was looking at me. Schoolmate ko, since nasa school ako at pareho kaming naka-uniform. Hindi ko lang alam kung ka-batch ko. But I'm pretty much sure that he is the same age as me. Halata eh. He looks matured but young. Gwapo, oo. Jusme.
Gwapo. Tapos nakatingin sakin? HAHA! Tangina lang. Para namang may papansin saking gwapo. Sa itsura kong to? IMPOSIBLE. Takte oh. Caps lock na para dama.
Pero pwera biro. Nakatingin talaga siya. Takte. Inutangan ko ba tong lalaking to o ano? Madalas kasi talaga akong makalimot ng mukha basta inutangan ko.
Nagpalinga linga ako sa paligid. Wala namang tao sa likod ko. Wala din akong katabi. Putcha. Sakin ba talaga siya nakatingin?
Tiningnan ko siya ulit, nakatingin pa din siya. Nakita ko pa siya na medyo natawa. Ay baliw lang. Tumawa mag-isa. Well, nag-chuckle. Iba na yung tawa. May tunog na yun eh. Yung may sound effects na pff sa wattpad. Ganun. Nagtakip pa siya ng bibig niya.
Napakunot na lang ako ng noo ko habang nakatingin ako sa kanya. Maya maya pa nakita ko siyang nag-smirk sakin.
Ay putek. Ang gwapo nga niya talaga. Nasabi ko lang na gwapo siya kanina kasi trip ko eh. Pero totoo pala. Gwapo nga.
Teka...
May staring contest ba sa pagitan namin?
Aba lintik na yan. Hindi ako magpapatalo! Nakipagtitigan din ako sa kanya. Titig talaga. Hanggang sa... napuwing na ko. Bwisit. Ang sakit!
Kinusot ko ng kinusot ang mata ko na napuwing. Nagulat pa ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Bakit ka ba kasi nakipagtitigan sakin?" Natatawa niyang sabi. Napatingin tuloy ako sa kanya. Which is ang bobo lang sa part ko. Minulat ko mata ko, sumakit tuloy lalo. Parang may tumusok! Yan. Katangahan mo.
Narinig ko siya na medyo natawa nanaman. Yung pinigilan lang.
"Alam mo, kung masyado kang nasasayahan sa nangyayari sakin, wag ka ng magpigil ng tawa mo." Kainis eh. Napapansin ko na yang pagpigil pigil niya ng pagtawa niya. Kanina pa.
"Pff. Hindi naman sa ganon." Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko. "Harap ka sakin. Hihipan ko mata mo."
"Tanginang to. Humu-hokage. Kaya ko na."
"Pff. Hahaha. Grabe. Ang kulit mo. Pero seryoso. Hihipan ko lang naman."
"Kaya ko na nga!" Pagkasabi ko nito, tumingin ako sa kanya ng dilat na dilat ang mata ko. "Kita mo? Okay na."
Tapos bigla na lang siyang tumawa. "Ang cute mo. Ako nga pala si Kenneth."
Inirapan ko siya. "Celine."
At doon nag-umpisa ang isang komplikadong relasyon sa pagitan naming dalawa.
Naging sobrang close kami sa isa't isa pero hindi daw kami magkaibigan. Ayaw daw ni Kenneth ng babaeng kaibigan pero gusto niya close kami. We're connected but not by blood, friendship or love. Basta connected lang. May something daw sakin na naghihila daw sa kanya papalapit sakin. Takte nga eh. Ang baduy. Ewan ko ba naman sa lalaking yun kung paano niya natatagalan ang ugali ko. Lagi ko siyang minumura at sinasaktan pero okay lang sa kanya.
"Lahat ng reaksyon mo, gusto kong makita. I guess that's what drawn me to you."
Napatigil ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya.
"Anong katangahan yang pinagsasabi mo? Curious ka lang, gago. Pinaarte mo pa."
Natawa siya. "See what I mean? There's never a dull day with you."
