Trouble Maker

371 10 0
                                        

Trouble Maker

"Aria, si Lerry!"

"Ate Aria, si Lerry po."

"Aria, please. Si Lerry."

"Si Lerry, Aria."

"Look after Lerry for me again, Aria."

Lerry. Lerry. Lerry.

Binging bingi na ko.

Simula nung elementary ako hanggang senior high school, ako na lang palagi ang sumbungan ng mga kaklase ni Lerry pati na rin ng teachers nya, kada na lang may gagawin na hindi naman dapat o kaya pag hindi gagawin ni Lerry ang dapat na gagawin nya.

Hindi ko alam kung bakit sa akin nakikinig yang si Lerry. Hindi naman kami magkapatid. Mas matanda nga ako sa kanya pero hindi nya ako ate. Hindi din naman kami magkababata. Kung tutuusin ay anak lang ako ng katulong sa bahay nila.

Lagi na lang ako ang taga-plantsa ng gusot na nagagawa nya. Sa tuwing hindi sya makontrol, ako ang tinatawagan. Sa tuwing hindi sya nakikinig, ako ang pinagpapaliwanag sa kanya. Sa tuwing nagmamatigas sya, ako ang ginagamit para lumambot sya. In short, he's the trouble maker and I'm the peace maker.

Hindi naman ako makapagreklamo kasi simula nung tumungtong ako ng elementary, paaral na ko ng mga magulang nya. Ang galing kasi ng nanay ko. Iniwan ako para dun sa driver nung pamilya ni Lerry. Nagtanan pa talaga sila.

May ari ng school ang magulang ni Lerry. Don ako nag-aaral ng libre. Kaso ang kapalit, babantayan ko si Lerry. Imagine, elementary pa lang ako, ang laki na agad ng trabaho ko. Lerry is a handful.

Grade one ako nang magsimulang mag-aral si Lerry ng pre-school. And ever since, he is a trouble maker.

Tandang tanda ko non yung unang gulong ginawa nya sa school.

Paulit ulit nyang binabato ng papel ang teacher nya. Hindi naman sya mapagsabihan.

"I'll stop if Aria is here."

Kaya ayun. Pinatambay ako sa pre-school para magtino si Lerry.

After a year, nag-exam si Lerry para makapag-advance agad sya. From pre-school to Grade two.

Nakapasa sya and surprisingly, zero mistake lahat ng exams nya non.

Naging magkaklase na kami simula non.

Don din nagsimula ang pamumuhay ko nang magulo at hindi matiwasay.

High school ako nang makalayo ako kay Lerry. Magkaiba kasi kami ng section. Nasa A class sya habang nasa C class ako. Aaminin ko naman na hindi ako ganon katalino.

Akala ko non, matatahimik na ang buhay ko pero akala ko lang pala yon.

Araw araw akong ginulo ng mga kaklase at teachers nya. Napapabuntong hininga na lang ako palagi!

But that was in the past.

Nagbago ang buhay ko nang magkolehiyo ako. Sa UP Diliman napasok si Lerry. Sa public school naman ako.

Paaral pa din ako ng mga magulang ni Lerry noong first year ako. Pero kalahati na lang ng tuition ko ang binayaran nila. Nagpa-part time job na kasi ako.

Nag-a-apartment na rin ako.

Kayang kaya ko ng buhayin ang sarili ko. Third year college na ako taking up Communication Arts at hanggang ngayon, matiwasay pa rin ang buhay ko.

"Aria." Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Paglingon ako, agad akong napatungo dahil sa hiya.

"A-Allen."

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon