My Greatest Heartache
How can one accept the pain left by the one they love?
It was the twenty-third day of July when I got my greatest heartache. It was exactly 10:17PM, in the Doctor's Hospital.
Naaalala ko pa non na bumagsak na lang ako sa sahig sa sobrang panghihina na naramdaman ko nang marinig ko ang mga katagang sinabi ng doctor.
"Time of death, 10:17PM."
Nang marinig ko iyon, hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. May naririnig akong umiiyak, may naghihinagpis.. at ako... pakiramdam ko, unti unti na rin akong namamatay.
He was my first love. College ako noon nang makita ko sya at ma-inlove sa kanya. Love at first sight, ika nga nila. Estudyante ako noon habang professor naman sya. Dahil sa kanya, nagtino ako sa pag-aaral. I was active in his class. Ito rin ang dahilan kung bakit kilalang kilala nya ako. Mas matanda sya sakin ng pitong taon.
Wala akong ginawa noon kundi ang magpa-ganda sa kanya. Pero estudyante lang talaga ang tingin nya sakin. Because of him, I got an above average grades. Sya ang naging inspirasyon ko.
The only bad thing with my feelings for him was... well, I was obsessed. Madalas ko syang sundan non kapag free time ko. Marami syang litrato na kinunan ko at nakadisplay sa kwarto ko. Halos lahat ng information nya alam ko. I was beyond in love.
Fourth year college ako nang maisip ko na hindi normal ang ginagawa ko. Yeah. I know, I'm a little late on realizing that.
Eventually, I tried to divert myself. Mas nagfocus ako sa pag-aaral ko. Kahit papaano, nabawasan ang obsession ko sa kanya. Sa professor ko.
Laking gulat ko noong graduation party sa University namin. I attended the party wearing a simple purple dress and a black sandals and a light make up. Nandon sya nang pumasok ako sa venue. Nasa sulok, nag-iinom, wearing a formal attire. Ang gwapo nya talaga kahit nasa late 20s na sya.
Don ko narealize, may feelings pa din ako para sa kanya. Naisip ko non, since graduation naman, okay lang na aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Maglalakad na sana ako papalapit sa kanya nang makita ko syang tumingin sakin. Napako ako sa kinakatayuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti sya sakin at naglakad papalapit sakin.
"Pwede ka bang maisayaw?"
Nagulat ako sa mga narinig ko non. Hindi ko akalain na aayain nya akong sumayaw. Kahit nahihiya ay pumayag ako sa alok nya. Gusto ko rin naman na magsayaw kami.
Habang nagsasayaw kami, hindi ako makatingin sa kanya. Ramdam ko rin ang panginginig ng tuhod ko at ang pagpapawis ng mga kamay ko.
"Ayos ka lang ba?" Umiling ako bilang sagot sa tanong nya. Nang mapagtanto ko na mali ang naisagot ko, agad akong tumango. Narinig ko syang tumawa ng bahagya. "Ano ba talaga?"
"N-Naiilang po ako."
"Dahil ba professor mo ako?"
Umiling ako non bilang sagot. "K-kasi po... kayo ang lalaking gusto ko."
Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang ekspresyon sa mukha nya. Gulat na gulat sya sa sinabi ko. Hindi ko kinayang tagalan ang tingin nya kaya tumakbo ako non palabas. Hindi ko akalain na hahabulin nya ako.
"Joan!" Hindi ko sya nilingon. Takbo lang ako ng takbo. "Joan! Saglit!"
Pero dahil sa bilis nyang tumakbo ay nahabol nya ako. Hinila nya ako sa braso, paharap sa kanya.
"Bakit ka tumakbo?"
"K-Kasi..." hindi ko din alam. Bakit nga ba?
"Hindi mo ko hinintay magsalita."
"Ayoko pong marinig ang sagot nyo. Alam ko naman po na estudyante lang a---"
Nagulat ako nang halikan nya ako sa labi ko. Gulat na gulat ako, ni hindi ako nakakilos. Nang ihiwalay nya ang labi nya sa labi ko ay ngumiti sya.
"Sana hinintay mong ako ang maunang umamin sayo. Hinintay lang naman kitang maka-graduate eh."
Nanumbalik ako sa hinaharap nang may naramdaman akong tumabi sakin. Kahit umiiyak sya ay ngumiti sya sakin.
"Grace," pagtawag ko sa kanya.
"Ma."
Niyakap nya ako at doon na ako umiyak ng umiyak. "Wala na sya, anak. Iniwan na tayo ng papa mo."
Naramdaman kong hinagod hagod nya ang likod ko. "Payapa na sya, ma. Tapos na ang paghihirap nya."
Parang kailan lang, hinahabol habol ko lang sya. Parang kailan lang masaya pa kami ng asawa ko. Ang hirap tanggapin na yung taong mahal mo, iniwan ka at kahit kailan hindi na sya babalik.
Matagal ng may sakit sa puso si Raymond. Ilang taon na rin nyang nilalabanan ang sakit nya. Pero ngayon, sumuko na sya.
Naramdaman kong may humawak sa braso. Tiningnan ko kung sino iyon.
"Lola, tahan na ikaw. Ayaw namin ikaw umiiyak," sabi ng apo namin na si Jayjay habang umiiyak. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Grace at niyakap ang apo ko.
Umiyak lang ako ng umiyak.
Mahirap tanggapin yung sakit na iniwan ni Raymond nang mawala sya sa amin. Sa akin.
Hindi ko man matanggap ang pagkawala nya, pipilitin ko pa ring mabuhay para sa kanya, sa mga anak at apo namin.
Raymond, mahal na mahal kita. Kahit ang sakit sakit na iniwan mo ako.
"Mahal din kita, Joan. Tandaan mo yan."
Napangiti ako. Kahit na sobrang hina lang ng narinig ko, alam kong si Raymond yon.
