Hindi Ko Na Lang Sasabihin
Nagulat ako nang may biglang humawak sa magkabila kong balikat. Paglingon ko sa likod ko, nakita ko ang kapitbahay slash kaklase kong si Prince. "Hahaha! Gulat na gulat ka ah. Hindi mo ba narinig yung yabag ng paa ko sa bubong?"
Umiling ako. Masyado kasi akong abala sa pagtingin sa night sky. Ang daming stars ngayon eh. Atsaka sa langit ako nakuha ng lakas ng loob. Lakas ng loob para sa mga sasabihin ko ngayon sa kanya.
Naramdaman ko na may pinatong siya sa may balikat ko. Pagtingin ko, kumot pala. Pagkaupo niya sa tabi ko, sinuot niya sakin yung sombrero niya. Medyo nalaglag pa yun hanggang sa mata ko kasi mas malaki ulo niya kaysa sakin. Siya naman mismo ang nag-ayos non. Habang abala siya sa pag-adjust ng size ng sombrero para sakin, malaya ko siyang natitigan. Ang amo talaga ng mukha niya.
"Ayan." Medyo dumistansya sya sakin. "Ayos lang ba? Hindi ba masyadong masikip?"
Umiling ako. "Sakto lang."
Ngumiti siya sakin tapos umayos na ng upo. Dito kami nakaupo sa bubungan ng bahay nila. Yung bubong garahe nila, to be exact. May konting space lang sa pagitan ng bubungan na to sa bintana ng kwarto ko kaya malaya akong nakakapunta dito. Dito ko din siya unang nakasama at nakilala. Anim na taon na ang nakaraan mula ng lumipat sina Prince at ang pamilya niya sa katabing bahay namin. Hindi ko pa non alam na may nakatira na pala sa katabing bahay nung isang gabi na napagdesisyunan kong tumambay sa bubungan nila. Umiiyak pa ko non kasi napagalitan ako ni mama. Hindi ko na alam kung anong nagawa ko nun para pagalitan niya ako. Tapos ayun, narinig ni Prince yung pagsinghot singhot ko, tapos sinilip niya ako mula sa bintana ng bodega nila. Akala pa nga niya, multo ako eh. Doon nagsimula ang pagiging close namin. Para sa kanya, magkaibigan kami. Para sakin, close kami. Ayoko siyang maging kaibigan.
Bakit?
Alam niyo yung crush at first sight?
Yan ang naramdaman ko sa kanya. Pero siya, Friendship at first sight lang. Yun bang gusto niyang kaibiganin ako agad nung unang beses niya akong nakilala.
Anim na taon na kong may lihim na pagtingin sa kanya. Kayanin ko kayang sabihin sa kanya to?
"Ano nga palang sasabihin mo?" pagtatanong niya sakin. Bigla akong kinabahan. Kaya ko bang sabihin sa kanya?
"Um..." Hindi ko ata kayang sabihin sa kanya. Tss. Saan napunta yung lakas ng loob ko kanina? Yung mga salitang sinaulo ko kanina?
"Mahirap bang sabihin?"
Tumango ako bilang sagot. Sobrang hirap.
Ngumiti naman siya. "Gusto mo bang magkwento muna ako habang nag-iipon ka ng lakas ng loob?"
Tumango ako.
Akala niya siguro may problema lang ako ulit na hindi ko kayang sabihin sa kanya. Ganito kasi kami sa tuwing may problema ako. Sasabihin ko sa kanya na may sasabihin ako sa kanya, na tumambay kami sa bubungan nila ng gabi, tapos madalas, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang problema ko. Nahihiya kasi ako. Pakiramdam ko, nang-aabala ako. Siya lang naman kasi ang taong laging nandyan para sakin eh.
Wala naman akong kaibigan. May pagka-introvert kasi talaga ako. Kabaligtaran ko naman si Prince. Sobrang friendly niya. Ang dami nga niya agad kaibigan sa school nung unang araw niya eh. School ha. Hindi lang sa classroom namin.
"Naaalala mo nung araw na may umamin sakin?" pag-uumpisa niya. "Yung schoolmate natin?"
Nag-isip ako. "Sino don? Madami sila. Atsaka kailan ba? Nung high school tayo o ngayong college na tayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/74134179-288-k943356.jpg)