Nagsisisi
Sinabi ko sayo noon na mahal kita
Kaya naman binigyan mo ko ng pagkakataon na makasama ka.
Ni hindi mo nadama na nagsisinungaling lamang ako
Dahil gusto kong paglaruan ang isang tulad mo.
Dumaan ang mga araw ay napaikot kita sa palad ko.
Lahat ng gusto ko ay binibigay mo.
Nabuhay ako ng umaasa sayo
Kaya napagdesisynunan ko na wag na munang lumayo.
Dumaan ang mga linggo ay nakilala pa kita
Doon ko nalaman na sadyang maalaga ka
Hindi ko akalain na magiging masaya pala ako
Sa pagsasama nating dalawa na nagsimula sa isang laro.
Dumaan ang mga buwan ay naramdaman ko
Iba na ang tibok ng puso ko sayo.
Ang mga ngiti mo ay ngiti ko rin
Ang bawat pagluha mo ay pagluha ko rin
Dumaan ang isang taon at naisip ko,
"Mahal kita" at sigurado ako.
Gusto kong aminin sayo ang totoo.
Na nag umpisa lamang talaga tayo sa laro.
Sana maniwala ka kapag nasabi ko na sayo
Na totoo na ang nararamdaman ko
Walang ibang babae akong nakikita
Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba
Pero sadyang tadhana ay mapaglaro
Kung kailan kitang natutunang mahalin ay saka ka naglaho.
Hindi mo man ginusto ang nangyari ay wala na tayong magagawa
Kinuha ka na Niya at hindi na sakin maibabalik pa
Nang mawala ka sakin ay nawalan na rin ako ng buhay
Gusto ko na lang mawala dahil wala na rin namang saysay
Ang sakit sakit nang mawala ka sa akin
Ito na siguro ang parusang nilaan Niya sakin.
Paano ako makakabawi sa mga pagkukulang ko?
Paano ko pa masasabi sayo ang totoong nadarama ko?
Paano ko pa ba itutuloy ang buhay ko,
Kung ang mismong buhay ko na ang naglaho?
Araw araw ako'y nangungulila.
Walang segundong lumipas na hindi kita naaalala.
Nagsisisi pa rin ako na hindi ko man lang nasabi sayo
Kung gaano ko kamahal ang simpleng tulad mo.
Tatapusin ko na rito ang tulang ito.
Ang mga luha ko'y hindi ko na mahinto.
Pasensya na sa basang papel na ito
Napuno lamang ng luhang hindi humihinto sa pagtulo.
Dito ko na lamang sasabihin sayo ngayon
Mga katagang hindi ko nasabi noon
Ang puso ko ay tumitibok pa rin para sayo
Kahit ang puso mo na mismo ang tumigil sa pagtibok at nilisan ako.
