Tara sa Condo ko?

396 2 2
                                        

Tara sa Condo ko?

"Give me the hardest drink."

Napalingon ako sa bagong customer na dumating. Napatitig pa ako saglit sa kanya dahil sa itsura niya. Medyo gulo ang buhok niya, namamaga ang mga mata niya at namumula ang ilong niya. "Hoy, bingi ka ba? Kabago-bago mo, patanga tanga ka! Tequila nga!"

Binigay ko naman iyon sa kanya, medyo natataranta pa. First night ko dito, di pwedeng may customer agad na magreklamo sakin.

Nagulat pa ako ng ininom niya iyon agad ng isang lunukan lang.

"Isang bote na."

Napailing ako sa loob loob ko. Kababaeng tao, ang lakas uminom. Binigay ko naman sa kanya yung isang bote ng tequila. Hindi na siya gumamit ng shot glass. Ininom na niya yon sa bote mismo.

Napakalasinggera.

Hindi ko makakalimutan ang unang gabi na nakilala ko siya. Hindi siya gabi gabi sa bar na pinagtatrabahuhan ko pero tumatak kasi siya sa utak ko dahil siya ang kauna-unahang customer na nanigaw sakin.

Yung pangalawang gabi na pumunta siya ulit sa bar, ganun nanaman ang itsura niya.

Laging ganon ang itsura kapag pumunta siya sa bar kung saan ako ang bartender.

Laging medyo gulo ang buhok niya. Laging namamaga ang mga mata. Laging namumula ang tungki ng ilong.

Laging ganon.

Hindi ko maiwasan na hindi magtaka sa kanya. Bakit lagi siyang parang napagsakluban ng langit at lupa? Laging bagong iyak.

Dahil sa curiousity ko sa kanya, kahit may ibang nag-o-offer sakin ng trabaho at mas malaki ang sweldo, hindi ko iniwan ang trabaho ko. Gabi gabi ko siyang hinihintay. Sa loob ng isang buwan, tatlo hanggang apat na beses ko siyang nakikita.

Katulad ngayon. Sa buwan na to, pang-apat na.

"Hoy, Bartender! Tequila nga! Bote ha!"

Binigay ko naman iyon agad sa kanya.

Dalawa kaming bartender dito. Ako at si Henry. Kapag nandito si Ms. Heartbroken, (iyon ang tawag sa kanya ni Henry kaya iyon na lang din ang tawag ko) alam na niya ang gagawin niya. Ako kasi mismo ang nagsasalin ng drink sa shot glass niya kaya kinukuha ni Henry yung iba kong customer.

"Bakit ikaw lagi ang nagse-serve sakin? Bakit hindi yung pinsan ko ha?!" Nagulat ako sa narinig ko. Pinsan? "Hoy, Henry! Ano na?!"

"Hahaha. Sorry, Ate Suzy. Ayan naman si Jasper oh," sagot ni Henry. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang tagal tagal ko nang kinukwento sa kanya si Ms. Heartbroken. Na gustung-gusto ko siyang makilala. Pinsan pala niya?!

Nagulat ako nang hilahin ni Ms. Heartbroken yung necktie ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ang lapit lang ng mga mukha namin.

"Kafederasyon ka no?"

Nagulat ako sa tanong niya.

Shit.

"Hahahahaha! Ate Suzy naman! Baka magulat ka kapag nalaman mo kung nakailang girlfriend na yan."

Tumingin ulit sakin si Ms. Hear--- este Suzy. Parang inoobserbahan niya ang mukha ko. Parang may kung ano siyang binabasa.

"Tara sa condo ko?" Pagtatanong niya, halos pabulong na.

Nagulat ako sa narinig ko. "What?"

"Tara sa condo ko. Samahan mo kong mag inom."

Natawa ako na may halong kaba. "You're crazy. May trabaho ako."

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon