Creepy

252 0 0
                                    

Before you read this, I hope you're not like me who's such a scaredy-cat. Actually natakot ako pagkatapos ko tong isulat. Pero feeling ko naman, ako lang ang matatakot.

If you're still going to read this, I hope you read this at night before you sleep. Yung tipong nakahiga na kayo para mas relate kayo sa narration. Yun lang :)

Creepy

Minsan naisip ko, paano kaya kung mawala ako sa mundong to tapos biglaan pa. Paano kaya yun mangyayari?

Pwedeng maaksidente ako tapos patay agad. Pwede ding may sakit pala ako tapos inatake ako at syempre, dead on arrival. Pwede din sigurong may pumatay sakin kasi may pinagkakautangan pala ako tapos magbabayad naman pala dapat ako kaso nakalimutan kong may utang ako. Teka, meron nga ba?

Sa pagkakatanda ko naman, wala na akong utang.

Napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang, ito ang hirap sakin pag hindi ako makatulog sa gabi eh. Sobrang non-sense ng naiisip ko. Kanina pa ko nagpaikot-ikot sa kama ko kaso hindi talaga ako makatulog.

Nahiga ako dito kanina ng maayos ang bedsheet at maayos ang pagkakalagay ng mga unan. Kaso parang dinaanan na to ng bagyo sa sobrang gulo. Yung iba kong unan, nagkalat na sa sahig, yung dulo ng bedsheet ko, nasa sahig na.

Bakit ba kasi hindi ako makatulog? Pinatay ko na naman yung ilaw. Hindi naman mainit. Kung tutuusin, ang lamig pa nga kasi umuulan sa labas. Hindi rin naman ganon kaingay. Mag-isa lang naman kasi ako dito sa bahay eh. So bakit? Bakit hindi ako makatulog?

Bakit nga ba hindi nakakatulog ang isang tao?

Pwedeng may sakit. Pwedeng may problema na bumabagabag sa kanya. Pwede ding natitigasan sa kama. Pwede din na wala pala sya sa bahay nya at nagkataon pa na namamahay pala sya pag matutulog. Pwede din sigurong natulog na nung hapon kaya nang dumating ang gabi, hindi na makatulog. Pwede din siguro yung maingay ang kapitbahay. Pwede ding may nagkakaraoke pala na sobrang pangit na ng boses, wala pa ring habas kung kumanta. Pwede ding nagtatahulan yung mga aso kasi may dumaan palang pusa.

Marami namang posibilidad eh. Kaso yung akin, feeling ko wala dyan ang dahilan.

Teka. Nakalimutan ko. Yun nga pala ang dahilan.

Kasi may matandang multo ang umiiyak sa ilalim ng kama ko.

Kasi may batang pugot ang ulo na nakaupo sa may paanan ko.

Kasi may paring may saksak sa dibdib na nakatayo sa ulunan ko.

Kasi may lalaking walang mga mata na katabi ko at humihingi sakin ng tulong.

At may isang nagbabasa nito na may kasamang duguang babae sa bahay nila na naglalakad papalapit sa kanya at biglang hihilahin ang paa nya kung kailan nya hindi inaasahan.

Hindi ka na rin ba makatulog gaya ko?

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon