Umuulan
Sinabihan na kita noon, hindi ba?
Hindi ako ang dapat mong sinisinta
Umiwas ka na at wag tuluyang mahulog pa
Dahil puro sakit lang ang iyong madaramaNgunit ika'y hindi nakinig saking banta
Hinayaan mo pang lumalim iyong nadarama
Puso ang iyong pinairal sa ganitong sitwasyon
Tuloy ika'y umiiyak sa sulok ngayonTumahan ka na ako'y nakikiusap
Baka tumigil rin sa pag iyak ang mga ulap
Ngumiti ka na para sa akin
Nang araw ay magpakita para sa atinDi ko sinasadya ang saktan ka
Di ko lang talaga alam kung ano ang tama
Ikaw ang unang babaeng nanatili saking tabi
Kahit ako'y walang kwenta at mali-maliSinusubukan ko nanaman ang magbago
Upang sakin ikaw ay di lumayo
Pero ito pa ang nangyari sa aking pagsubok
Lumuluha ka lamang dito sa sulokBakit nga ba ikaw ay nanatili?
Marami naman dyang ibang lalaki
Bakit ako pa ang iyong pinili?
Hindi ka man lang ba nagsisisi?Tuloy ka pa din sa iyong pagluha
Pati mga ulap ay dinadamayan ka
Gusto kitang yakapin ng mahigpit
Tatahan ka siguro at gaganda ang langitPero sino ba naman ang niloko ko?
Ang mga bagay ay di ganun kadali sa mundo
Dapat nga talagang ikaw na ay lumayo
Para di ka nasasaktan ng isang tulad koMahal man kita ay di ito sapat
Bibitawan na kita dahil ito ang dapat
Para rin sayo itong aking gagawin
Paalam na kahit masakit ito para sakin.
