Hindi Namalayan
Noon ay naisip ko
Paano nagsimula
Pag-ibig sa'ting dal'wa
Ng hindi man lang
NamamalayanKung paanong ang iyong
Bawat ngiti at sakit
Ay ngiti't sakit ko rin
Na tila tayo'y
Iisa lamangKung pa'nong sa umaga
Ikaw agad ang hanap
Kung paanong sa gabi
Sa panaginip
Ika'y katabiKung paano mo ako
Napapangiti lagi
Kung paano mo ako
Napapahulog
Ng lubos sa'yoKung paanong sa bawat
Araw na lumilipas
Mas minamahal kita
Ng lubos kaysa
Sa'ting kahaponHindi ko inakala
Na magmahahal ako
Ng ganito kalubos
Kahit pag-ibig
Mo'y natapos na.Ngayon ay naisip ko
Kung paano nagwakas
Pag-ibig mong inalay
Ng hindi man lang
NamamalayanKung panong hanggang ngayon
Bawat ngiti't sakit mo'y
Ngiti't sakit ko pa rin
Na tila ikaw
Ay akin pa rinKung panong sa umaga
Hanap-hanap ka pa rin
Kung paanong sa gabi
Sa panaginip
Kapiling pa rinKung paano mo ako
Nasasaktan ng lubos
Sa mga alaala
Na dati'y saya
Lamang ang dulotKung paanong sa bawat
Araw na lumilipas
Ng hindi ka kasama
Patuloy pa rin
Sa paghihintayHindi ko inakala
Na magmamahal ako
Ng ganito kalubos
Kahit ako ay
Iniwan mo na.
![](https://img.wattpad.com/cover/74134179-288-k943356.jpg)