Sadyang Ikaw Pa Rin
"Maghiwalay na tayo."
Napapikit ako nang marinig kong sabihin sakin yan ng girlfriend kong si Sabrina. Inaasahan ko na to pero masakit pa rin pala pag narinig ko mula sa kanya to. Ilang linggo na ang lumipas nang maramdaman kong gusto na niyang makipaghiwalay sakin at ilang linggo ko na rin bang iniwasan na mangyari yon? Hindi ko na mabilang. Siguro nga, buwan na ang dapat na binibilang ko. Sa halos limang taon ng relasyon namin, hindi ko akalain na mangyayari pa to samin. Napakadami na naming pinagdaanan. Napakarami na naming pagsubok na hinarap ng magkasama. Ilang beses ko na ring naisipang itigil na lang ang relasyon namin dahil minsan, parang hindi ko na kaya. Pero hindi ko magawa-gawa. Kasi mahal ko siya. Tapos ngayon...
Hindi ko napigilan ang hindi maiyak. Kahit magmukha na akong nakakaawa at mahina sa harap niya, wala na akong pakialam. Sobrang sakit eh.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Pinagdaop ko yon at nilapat sa labi ko. "Sabrina, please. Wag namang ganito."
Napabuntong hininga sya pagkatapos ay sapilitan niyang inalis ang kamay niya mula pagkakahawak ko. Para na rin niyang pinipilit na kumawala mula sakin. Mula sa relasyon namin. "Mark naman. Don't make this hard for me."
Napamura ako ng mahina. "Hard? I'm making this hard for you?" Napailing na lang ako habang pinupunasan ang luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. "I'm not making this hard for you, Sabrina. I'm actually trying to save our relationship na limang taon lang naman nating pinatibay."
I saw her bit her lower lip. She sighed again. "Mark, please," she beggged. Kulang na lang ay lumuhod siya sa harap ko. Her eyes were pleading and teary. I doubt that she's hurting. Sa tingin ko ay naiiyak na siya dahil ayaw kong makipaghiwalay sa kanya.
"Why, Sabrina?" I asked her. "Bakit gusto mo na lang biglang makipaghiwalay?"
Hindi siya nakaimik. Hindi niya nagawa. Napatawa ako ng mapakla.
"May iba ka na?" There's accusation in my voice. Yun naman kasi ang nararamdaman ko eh. Hindi ako nagkulang sa relasyon namin. Alam ko yun. Lagi nya yung sinasabi sakin dahil madalas akong magduda sa mga bagay na nagagawa ko para sa kanya. Madalas, pakiramdam ko, kulang pa yung efforts ko. But she always say otherwise. Lagi niyang pinapaalala sakin na hindi ako nagkulang sa relasyon namin. Kaya imposibleng nagkulang ako kasi binigay ko na sa kanya lahat ng kaya kong ibigay.
Kahit may trabaho ako at nagkataon na may sakit siya, nagsi-sick leave ako para lang alagaan siya kahit may mga kasama naman siya sa bahay nila na mag-aalaga sa kanya. Kapag may nagustuhan siya, kahit hindi niya hingin, binibigay ko. Madalas ko pa ngang hulaan ang magiging cravings niya para maibili ko agad at maibigay sa kanya. Don't get me wrong though. She's not pregnant. Madalas lang talaga siyang may bigla bigla na lang gustong kainin.
Isa pa yan.
As a man, I respected her. Kahit nakatabi ko na siya sa pagtulog, never ko siyang ginalaw. Lintik na pagkokontrol din ang ginawa ko non. Lagi kong iniisip na pwede ko naman yong gawin pagkasal na kami. Na dapat hintayin ko na lang na makasal kami. Given na naman na nahalikan ko na siya. Sa pisngi niya, tungki ng ilong niya, noo at labi niya. Pero walang lust na kasama yun. Kasi ganon ko siya nirerespeto.
Tinuring ko na ring sariling pamilya ang pamilya niya at pamilya na rin ang turing sa kanya ng pamilya ko.
Ano pa bang kulang sa ginawa ko?
"May iba ka na." Now I said it with conviction. Hindi naman kasi siya umiimik. Isa lang ang ibigsabihin non. Tama ako.
"Don't---"
"Sabihin mo!"
"Oo!" Doon na ako sumabog. Bago pa ko may magawa sa kanya, tumalikod ako sa kanya at lumapit sa pader na pinakamalapit sakin. Pinagsusuntok ko yon. Don ko nilabas lahat ng galit na nararamdaman ko. I feel so betrayed!
